Chapter 6: NO WAY OUT

82 2 0
                                    

< Hi readers! So ito na ang 6th chapter ng kwento, hope you find it interesting. Please please please subaybayan niyo. Nagsisimula pa lang ang love story nila Hiro at Samara, may kasalan pa. :) >

Hiro’s POV

Isang linggo na ang nakakaraan mula sa disgrasyang proposal ko.

Yung singsing na yun. Dun lang sa babaeng yun napunta. Mandy wants it badly. Yun nga yung lagi niyang binabalik-balikan kapag natritripan namin mag-mall. And I thought it was a sign for us.

Bwiset! Yug singsing pang yun ang naglagay sa akin sa disgrasya. Ang buong mundo tuloy, inaasahan ang kasalan. Syempre alam na ni Mandy yung balita.

May mga maiingay na namang dumarating. Wala na talagang privacy ang bahay ko.

“Hiro, congrats! Sabi ko na nga ba, ikaw ang unang maitatali.”

Tinapunan ko ng throw pillow si Ridge.

“Kayo ang dahilan kung bakit ako napunta sa room 817 instead of Mandy’s room!”

“That is not our fault,” depensa ni Kira. “You just heard it wrong. Sisihin mo eardrums mo.”

“Lagot ka ngayon Hiro. Haha. Kailan ang kasal?”

“Hula ko, as soon as possible. Next week may asawa ka na.”

“Baka bukas nga eh ikasal na yan.”

“Will you just shut up?!” Kung hindi lang talaga kaibigan ang turing ko sa mga ito, itinapon ko na sila sa sinapupunan ng nanay nila. Anlalakas mang-asar, nakakainis!

“Ano kaya ang magandang iregalo?”

“Crib pare.”

“Para san yung crib?”

“Bobo. Natural sa anak nila.”

“Siyet, gusto kong maging ninong.”

Hindi na ako nakikinig sa usapan nila. I have my own problems. Si Mandy, wala na bang chance na bumalik siya sa akin? Alam ko namang mahal niya ako eh but I just want to hear that from her. Ang taas kasi ng pride niya eh. What’s wrong with her?

Isa pa itong nanay ko. Is she planning to marry me to Samara? Ayoko sa babaeng yun. Una, bobo just seeing her written palm. Pangalawa, hindi maganda. Just compare her with my Mandy, taob siya. Pangatlo, laging palpak. Ang clumsy!

Wait, isip pa ako.

Basta, madami! Hindi siya yung pinapangarap kong babae.

I want Mandy.

I need Mandy.

I love Mandy.

Kainis, puro na lang si Mandy ang iniisip ko. Hanggang kailan niya ba ako pahihirapan? Basta na lang sumusulpot kung saan tapos aalis. Ano siya, kabute?

Pero mahal ko yun eh. Kahit kabute man yun na naging tao, mahal ko pa rin sya. Mahal ko siya maging sino man siya. Ang korni!

“Hey Hiro.” Sinapak ba naman ako ni Ridge. Ang kumag!

“Ano bang problema?”

“Kanina ka pa nakatunganga, pare. Alam mo bang nagtransfer na si Mandy ng school?”

“Ano?!” That can’t be. Ano ba ang problema niya at nagkakaganito siya?

“Yung interview niya sa Music School sa Kansas, natanggap siya.”

Itutuloy niya pa rin pala ang pangarap niya. Suportado ko naman siya eh. Baka nga yun yung dahilan niya kaya siya umiiwas. Alam niyang magtatampo ako sa kanya kasi hindi siya nagpaalam na magpapainterview siya.

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon