Chapter 5: DESTINY'S SET UP

80 2 0
                                    

Samara’s POV

Pagsakay ko sa kotse, sinabi ni Lolo na pupunta kami sa isang press conference.

Watda! Ano ba yan, hindi ako prepared saka wala pa akong experience. Well, humarap na ako sa maraming tao when I reported in class. Pero kapag reporting ang usapan, nareview ko na yun ng maigi, eh ito, biglaan. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Hiniram ko yung parker na nasa Tuxedo niya. Buti na lang ibinigay niya.

Bilis. Sulat. Sulat. Sulat.

Isinulat ko sa palad ko lahat ng ieexplain ko. Mamaya kasi baka mautal-utal ako at mablanko ang isip ko, wala akong maisasagot.

Sakto naman natapos kong mag-isip at magsulat paghinto ng sasakyan sa isang building. Habang nasa elevator kami, nagdadasal akong maging successful ang press conference. Ipinagdasal kong si Devil Guy na lang ang tanungin nila at huwag ako. Hahaha

Nung pagbukas namin ng pinto, ang ingay tapos tumahimik sila ng nakita si Lolo. Haha. Ayun, umupo kami katabi ko itong lalaking pinukpok ko sa ulo. Medyo ayos naman na siguro ang ulo niya, ni wala ngang clue na napukpok ng lampshade eh.

 “Miss Pereira, do you have any issues to clarify?”

Wah! Ayan na. Magsasalita sana ako pero nanigas ang buong katawan ko. Ni yung maliit kong daliri ayaw gumalaw. Gusto kong magsisisigaw, baka kasi nabangungot ako pero hindi ko din maigalaw yung mouth ko not even my tongue.

“Ah...y-yes.” Grabe ang effort ko dun para lang masabi ang simpleng oo. Tapos palihim kong binuksan yung kodigo ko sa palad. Nakita yata ako ni Devil Guy, nakakahiya. Wala akong pakialam, I have to tell the truth.

“Hiro must heard the wrong room. I think it must be 870 not 817. So, it’s just an accident that Mr. Keizo entered a wrong room.”

Hmmm. Umikot lang yata yung sagot ko. Ang gulo. Ang lakas ng kaba ko. Kainis.

“So, why is your door open?”

Ano ba yan? Tanong na naman. Ano naman ngayon kung open yung door ko? Hinihintay ko kaya si Wabby. Akala ko naman kasi mabilis lang yung taong yun.

“I’m waiting for a friend.”

“Then why is Mr. Keizo on top of you the moment the door was opened?”

Ayan na. Wala akong makapang sagot. Shall I tell the truth?

“Well, I was...I was....”

I can’t say a single word anymore. Wahhhhh!!!!! Someone save me.

 “Malabo ang mata niya. Nagkabungguan kami. Ganun lang iyon kasimple.”

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi pala mauubusan ng palusot si Devil Guy. Haha. Ayaw niya sigurong malaman ng mga tao na brutal siya at demonyong nagkatawang tao lang. Hahahaha

“So why is Miss Pereira just wearing a bathrobe that time?”

Natameme ako. Hoy Devil Guy, answer it. Pero nung sulyapan ko siya, nakatunganga lang. Nakakainis naman. Kagagaling ko lang naman kasing maligo eh. Pero kapag sinabi ko yun iba ang isipin nila. Andali pa namang magconclude ng mga ito.

Ayan, bulungan na naman. Dyan naman kasi sila magaling eh.

“She just thought that I’m his---“

“They are secret couples. I just found it that evening.”

Yung nanay niya! Ibitay yung nanay niyang sinungaling!!!!

Hindi kami couple. No way to that Devil Guy! How dare her na isulsol ako sa anak niyang demonyo? I will never like a man like that. Hindi ko maimagine ang buhay ko kapag meron yung lalaking yun. Muntik niya na akong patayin!

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon