Chapter 15: THE SO-CALLED WIFE

79 1 0
                                    

Hiro's POV

Papasok na sana ako sa room ko nung nagtext si Kira sa akin, may nagsumbong daw sa kanyang

hinarang si Samara sa canteen. HIndi naman ako masyadong bothered kasi takot ang mga tao sa

akin eh. Haha. Aawayin lang naman si Samara though words pero kahit na, ayaw ko ng ganun.

Tinawagan ko si Ridge at Markus, papunta na daw sila ng canteen. Hay, yung dalawa talaga

basta babae ang usapan walang inuurungan. Kailan pa nabago ang standards sila sa babae?

Hindi naman papasa dun si Samara eh.

Halos sabay-sabay lang kaming tatlong nakarating dun sa entrance ng canteen tapos saktong

pagbukas ng canteen, ala-alalay ni Kira si Samara, basang-basa at hindi ko alam kung ano

yung nasa uniform niya.

This is not what I expected. Sumobra sila ngayon.

Dire-diretso akong pumasok ng canteen. Nahawakan ni Kira yung braso ko.

"Okay na, Hiro."

Hindi ko pinansin. Okay na? Ganun na lang yun?

Mabilis akong pumasok sa loob, sila Ridge at MArkus, naramdaman kong nataranta sila.

Pagpasok ko, nakita ko agad yung paperbag dun. Nahalata ko ngang yun yung mga kinain namin

eh.Just to think of it, nasasayangan si Samara sa pagkain na yun kaya niya nga ipinatake-

out. Well, look at the floor, andun yung mga yun.

Naabutan ko pa yung tatlong babaeng kulot sa gitna, na nagulat pagkakita sa akin. Nilapitan

ko sila.

"Hiro, ginawa lang namin yun para sa inyo ni Mandy."

That's the magic word. Nag-init agad ang ulo ko. Sa dami ba namang pwedeng maging rason ay

isasali pa nila si Mandy.

"Sino ka ba? ANg kapal naman ng mukha mong makigulo sa buhay ko."

"Kasi---"

"Kayong tatlo, ipunas niyo sa damit niyo ang mga yan." Itinuro ko yung mga pagkaing

nagkalat.

Lumuhod sila tapos ginawa yung sinabi ko. Okay na sana eh pero buti na lang at may utak si

Ridge, inabutan ako ng baso. Binuhusan ko isa-isa yung mga babae na maluha-luha na sa

kahihiyan.

"Mula ngayon," nilakasan ko ang boses ko. "Ano man ang magawa niyo sa asawa ko, dodoblehin

ko yun pabalik sa inyo. Mahawakan mo lang ang damit ni Samara, patay kayo sa akin."

Mabilis din akong lumabas, naabutan ko pa sila Kira at Samara sa labas pero hindi ko na

sila pinansin. Parang may naaalala ako sa nangyari. Deja vu?

"Mula ngayon, girlfriend ko na si Mandy. Lagot sa akin ang gagalaw kahit sa dulo ng daliri

niya."

Iiling-iling na lang ako nang tapikin ako ni Markus. Minsan talaga naipagpapasalamat kong

alam nila ang iniisip ko.

"Official na ngang asawa mo siya." SI Ridge.

"Ano pa ba? Eh tinakot na niya lahat eh."

"Hiro." Narinig kong tinawag ako ni Samara. Lumingon ako, tumatakbo siya palapit sa amin.

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon