Chapter 37: ANALYSIS

60 2 0
                                    

 Author's Note:

 Andito kung anong nangyari sa date nila Markus at Linzy if it's considered as a date. :)

Markus's POV

"Magkasama ba kayo ng kapatid ko kagabi?" salubong sa akin ni Wabby pagpasok ko ng room namin. Sa kamalas-malasan kasi naging magkakalase pa kami.

"Medyo."

Umupo na lang ako sa upuan ko. Sinabi kaya ni Linzy yung mga pinag-usapan namin kagabi?

"May ginawa ba kayo ng kapatid ko?" umupo sa tabi ko si Wabby.

"Wala. Wabby, she's not my type kaya don't worry."

Nagkakamot siya ng ulo na bumalik sa upuan niya.

Yeah, what I said is true.

I don't like Linzy as a woman. I consider her as little sister. I told her that last night.

"Hi Markus, kanina ka pa?" lumabas si Linzy sa bahay nila. Nakangiti siya. I agree, she's cute. Mas maganda nga yata siya kay Samara ee kaya nga lang si Samara, manang eh itong si Linzy laking States talaga.

"Hindi naman. Nagpaalam ka sa kuya mo?"

"Yep," tumango siya.

"Tara," binuksan ko yung pintuan sa driver's seat, pumasok siya. "So, treat ko saan mo gustong kumain?"

"Sa Jollibee na lang para malapit."

Jollibee? Pambata kaya dun pero sige okay na. Lagi ko namang sinusunod mga request ng mga ka-date ko... date nga ba ito? I just want to talk to her.

Siya na ang nag-order. Nagchicken joy siya. Ganun yung mga inoorder ng mga batang pinsan ko. She's really too young for me.

"Bakit fries at coke float lang inorder mo? Hindi ka ba gutom?" sabi niya habang kumakain.

"Hindi. I just want to talk to you."

Napatigil siya sa pagkain. "Ano kasi Markus... kasi ano."

"It's okay Linzy. Just let me know your plans."

Napakunot yung noo niya. "Plans? You mean, plano ko?"

"Yes," tumango ako. "Alam kong you're doing this because of Ridge. Just tell me you're plan, susuportahan kita para mapagselos siya."

"Si Ridge?"

"Alam ko kung paano siya pagselosin so you better tell me your plans kasi kung pati ako isasali mo sa characters mo Linzy ... it won't work on Ridge. I'm telling you that."

"So?"

"Alam ko ang mga type ni Ridge, pareho kami. Hindi naman sa pagmamagaling, but you're not our type. Kailangan mong maging ganito ganyan. You know."

"Markus kasi ----"

"I'm sorry to tell you that."

"Yeah," yumuko na lan siya. "Siguro nga kailangan ko ng tulong mo."

Hayyyy, poor Linzy. Napamahal na din ako sa kanya, I always wanted a little sister at kaugali niya ang gustong kong ugali. Natutuwa ako sa kanya, actually.

When she texted that 'I like you Markus', I know she's bitter. Si Ridge naman kasi, hindi alam makipagkaibigan sa mga younger girls. Tsk.

I can't wait for the bell to ring ... kahit kapapasok ko lang sa room. Nagugutom kasi ako.. or somehow gusto kong makakwentuhan ang barkada.

Habang kasalukuyan ang lecture nahuli kong nakatingin sa akin si Wabby. Ano bang problema ng taong ito?

Hiro's POV

Magkasabay na pumasok ng canteen sina Kira at Samara tapos ang sarap pa ng tawanan nilang umupo sa table. Pagkaupo na nga lang nila, tuloy pa ang kwentuhan nila parang hindi ako nakita.

O sige, tunganga na lang ako sa kanila. Bwiset,

"Oi ang aga niyo dito ah," si Markus. Buti na lang maaga-aga din itong umalis sa room niya. "Si Ridge?'

"Pumunta saglit kay Jennica," paasik kong tinawag yung waiter tapos nag-order ako, sinabihan kong hindi na mag-oorder yung dalawa... sina Kira at Samara. Hahayaan ko silang magutom. Bahala sila!

"Umalis na yung waiter?" maang na tanong ni Samara.

"Ha?" kunwari di ko narinig.

"Ako na lang magtatawag ulit," sinensayasan ni Kira yung waiter. 

Habang nag-oorder sila dumating naman yung magkapatid. Nag-order na din sila. Wala na yung plano  na magugutom silang lahat samantalang ako nagpapakasaya sa pagkain ko dapat.

"Hi Linzy," si Markus. Tapos tumabi sa kanya si Bulilit. "Labas ulit tayo mamaya?"

Napatingin kami sa kanila. Lumalabas pala sila? Tsk, they're secretly dating. Ano bang nakita ni Markus sa kanya eh in fact, si Ridge naman ang gusto ni Linzy?

"You're dating?" si Samara. "Wabby, diba sinabi ko na sayo na dapat binabantayan mo si Linzy."

"Tumakas siya kagabi."

Nag-peace sign si Linzy. "Oh yan, nagpapaalam na ako. Lalabas kami ulit ni Markus mamaya."

"Saan naman kayo nagdedate?" singit ni Ridge.

"Ano naman sanang pakialam mo. You don't care right?" si Linzy.

"Gusto ko lang ng double date."

"Then fine." Yumakap si Linzy kay Markus. "Makisama na lang tayo sa gusto ni Ridge at Jennica."

"Sure," malapad na ngiti ni Markus. "Nakakamiss na din ang mga gig natin na by-partners. Game ba kayo Hiro at Samara?"

Tumingin siya sa akin. "Okay lang sa akin na wala akong kasama."

Nagpout si Samara. "Wabby, movie marathon tayo mamaya sa bahay tutal naman wala din si Linzy."

"Oh-em Sam, I need to tell you this... may gusto pa rin sayo si Kuya," singit ni Linzy, magkasing-lapad na sila ng ngiti ni Markus. "Enjoy the night."

Tinignan ko si Wabby. "Enjoy the night, ako muna ang bahala kay Samara habang wala ka."

"Halika nga dito Samara," hinila ko siya sa upuan niya tapos inilayo ko siya sa kanila. "Iaano ba kita ngayon?"

"Dapat ikaw ang tinatanong ko nyan. What's your problem?"

"Problema ko? Wala, wag mo na lang akong pansinin... forever!"

Ngumiti siya. "Hiro, youre jealous admit it."

"Hindi ako nagseselos," babalik na sana ako sa upuan ko pero pinigil niya ang kamay ko. "Aminin mo na kasi you're acting like an idiot."

Idoit? Ihalintulad ba naman ako sa idiot. Nakakainis.

"I'm not jealous."

"Okay, tutal naman okay lang na mag-isa mo mamayang gabi... ako na lang ang ka-partner ni Wabby mamayang gabi sa gig niyo."

What?! Alalahin ko muna ang mga nangyayari sa gig namin. Tsk, may mga ginagawang pang-partners lang at---- hayyyy.

"I'm jealous. Happy?"

Ngumiti siya tapos hinila niya ako pabalik sa lamesa. "He's jealous."

Nagpalakpakan sila at naghiyawan pa.

"Sabi ko eh, mapagseselos niyo si Hiro kahit si Wabby lang ang gamitin niyo," si Ridge yun. "Bilib na ako sa mga acting skills natin."

"Akala ko nga magwawala pa siya ee," tawa naman ni Markus.

"Shut up,' inis kong nasabi. Pinagtripan lang pala nila ako. Nakakabadtrip! "Hindi ito nakakatuwa. Sinong nag-isip nito?!"

Itinuro nila si Kira.

"May gig mamaya ha, bawal ang absent," itinuon niya na lang yung pansin niya sa pagkaing dala ng waiter.

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon