Chapter 23: FORGIVENESS

54 0 0
                                    

< Sorry sa mga lyrics. I just need the songs. Read this kasi PEACE BE WITH YOU NA. ^^V >

Samara's POV

Hay, ang awkward ng bahay. Isang linggo na rin ang nakakaraan mula nang maging isyu yung

stage play pero hindi pa rin ako kinakausap ni Hiro. Napapanis na ang laway ko. Huli ko

siyang kinausap nung sinabihan ko siyang si Wabby muna ang maghahatid sundo sa akin tutal

naman matagal-tagal pa siya dito sa Pilipinas. Tango lang ang sagot niya.

Hindi tuloy ako maka-concentrate sa exams ko. Ako dapat ang nagtatampo eh, hindi siya kasi

naman hindi siya sumipot. O baka naman kaya nahihiya lang siya kasi alam niyang kasalanan

niya. HIndi eh, mataas ang pride ng taong yun. HIndi ko nga ma-reach.

"Ano, gimik tayo mamaya," pagyayaya ni Ridge. "Last day naman na ngayon ng exam eh."

"Ayos yang naisip mo," apir naman ni Markus. "Gusto ko na talagang mag-unwind ng isipan.

Nakakapagod talaga kapag sunod-sunod ang exams.'

"Sasama ka ba Samara?" tanong sa akin ni KIra. "Wag mong sabihing nadalian ka sa exams

natin."

Kunwari nag-isip ako pero gustong gusto ko talagang sumama. "Pwede bang isama si Wabby?"

"Sinong Wabby?" si Ridge. "Yun ba yung kolokoy na umiiyak sa kasal niyo?"

"Ang sama mo Ridge," tawa ko. "Bestfriend ko naman yun eh."

"Hiling ng prinsesa, masusunod."

"Arigatou gozaimasu." [Thank you]

"Aba, natututo ka na."

"Pagbigyan niyo na ako, yun lang ang alam ko eh."

"Tara din Hiro," yakag ni Mandy.

Medyo nasanay na ako sa ganoong pananalita ni Mandy, laging sweet. Girlfriend na girlfriend

ang dating. Wala naman kasi akong kwentang asawa eh. Oo na, nagseselos ako kasi ako naman

talaga ang may karapatan pero ako itong nananahimik. Maglandian silang dalawa!

"Sige," tipid niyang sagot.

"Kumpleto pala ang barkada plus si kolokoy."

"Uy Markus, hindi kolokoy ang bestfriend ko ah," pagtatanggol ko.

Nagtawanan sila ni Ridge. "Oo na. Pero aminin mo, mas gwapo si Kira dun no?"

Aish! Ayan na naman sila, pinagtatambal kami ni Kira. Si Kira naman, ngingiti-ngiti lang

hindi ko alam kung napipikon o ano. Tss, ang dami ko talagang dapat makasanayan sa dalawang

makukulit na yun.

"Wala noh. Si Brad Pitt lang ang gwapo sa akin."

Pasimple akong tumitingin kila Mandy at Hiro habang nakikitawanan sa dalawa. Kung makakapit

kay Hiro akala mo naman siya ang asawa. Psh! HIndi ko pa yun nagagawa sa asawa ko nuh.

Hindi ko na nga lang pinapansin ang sinsabi ng ibang estudyante, ang daming tsismis na

nalalaman.

Pagkatapos na pagkatapos ng huling exam, nagtawag na agad si Ridge sa isang resto.

Tinawagan ko nalang si Wabby at sinabi yung address. Sana hindi siya mawala. Hayyy.

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon