Samara's POV
"Hi Kira!" bati ko sa kanya pagka-upo ko sa katabing-upuan niya. Nginitian niya naman ako. Hay, ang cute niya talaga. Haha. Hindi ko talaga mapigilang i-compare siya kay Hiro. See, magpinsan sila pero sobrang magkaiba ang ugali nila.
"Hindi ko inexpect na magkakasection tayo."
"Hindi ko din naman inexpect na andito ka."
"I love art."
"Ako din." Sabi ko agad. Wow naman, ang dami pala naming similarities. ^^
"Miss Pereira." Tinawag ako ng teacher namin. Lagot! "Could you please minimize your voice?"
Tumango lang ako. "Sorry po."
Gusto ko ng mawalang parang bula. First day ko pa lang dito Showa University napagalitan na agad ako. Nakakahiya kay Kira, baka may masabi siyang iba sa akin. huhu
Tumahimik na lang ako for the rest of the class. Si KIra naman, tulog. Tapos kapag tinatawag siya ng teacher, nakakasagot. Ako nga kailangan ko pang magtago sa likod ng kaklase ko para hindi ako makita ng teacher.
Tinignan ko yung wrist watch ko, five more minutes.
Last four minutes ...
Three minutes ...
Two minutes ...
one more minute left ...
RRRRRRRRIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG !!!
"See you again tomorrow. Read about the art of Edo Period."
Pagkalabas ng teacher, naggalawan lahat ng estudyante. Kanya-kanyang lagay ng gamit sa bag, tsismis sa katabi o kaya labas na lang basta sa classroom.
Karamihan ng mga estudyante, Chinese ba o Korean o Japanese. Basta singkit! Meron din naman akong nakitang blond at mukhang Western pero mas marami ang mukhang-Asian. Halo-halo ang estudyante, lahat naman may itsura eh at sa pagdala pa lang ng damit mahahalata ng mayaman. Parang napunta ako sa school kung saan nag-clash lahat ng lahi. Hehe
Tinignan ko 'yung katabi ko. Wah! Nasaan na siya?
Lingon. Lingon. Lingon.
Ayun! Pumasok si Kira ng room.
"Tara."
"Asan ka galing?"
"Dyan lang. Tara na." LUmakad na siya palayo. Bakit ba ang hilig niya sa ganun? Masundan na nga.
Nakakainis, ang dami na namang nakatingin sa amin sa pathway. Mainggit kayo! Haha
Dumiretso kami sa canteen yata. Yata kasi para ka lang pumasok sa isang restaurant na eat-all-you-can. Well, kapag kasi trip naming kumain ni Wabby ng marami eh may pinupuntahan kaming resto at dun kami nagpapakabusog. Namiss ko tuloy siya bigla.
May circular table sa gitna tapos andun na lahat yata ng pagkain. Kanya-kanyang kuha na lang ang mga estudyante ng pagkain nila. Didiretso na sana ako sa pagkain kasi nakita ko yung chocolate fountain nung hinila ako ni Kira.
"Hayaan mo silang kumuha, may magseserve sa atin." Hinila niya pa ako sa medyo corner tapos nakita ko sila Hiro dun kasama sila Markus at Ridge.
"Hey Kira!"
"Hey Samara, andito ka pala."
"Magkaklase kayo?"
"So, dito ka na mag-aaral?"
Ngiti lang mga isinagot ko dun sa dalawang makulit. Si Hiro naman tahimik lang nung umupo kami, patingin-tingin sa tabi hindi ko alam kung sino o ano ang hinahanap niya.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanficHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!