Samara’s POV
Nakakapagod ang byahe. Almost 4 hours din akong nakaupo at kakwentuhan sina Kira at Wabby. Yun naman kasing katabi ko, pabasa-basa lang ng magazine. Psh, ee hindi nga daw siya excited sa trip na ito.
“Madami namang rooms kaya okay lang kahit tig-isa tayo,” si Kira pagdating namin sa rest house. Whew! It’s a mansion in paradise. Ang ganda, mula sa bahay ay makikita ay beach although it’s not totally white sand.
“Sam, tabi tayo ng room,” lumapit sa akin si Wabby. “Ikaw Linzy, tumabi ka sa room ko.”
“Then tatabi ako sa room ni Linzy,” si Markus.
“Magtabi kami ng room ni Samara,” hinila ako ni Hiro. Devil! “Asawa ko siya kaya dapat magkatabi ang kwarto namin. Ikaw kolokoy, lumayo-layo ka ng kwarto kung ayaw mong sipain kita pabalik.”
“Ano ba,” hinarap ko si Hiro. “Andito tayo para mag-enjoy and to celebrate Kira’s birthday.”
“Oo nga,” inakabayan niya ako tapos may pagngiti-ngiti pa siyang nalalaman. “Saan ba ang pwedeng rooms dito Kira?”
May mga itinurong rooms si Kira. Inakay ako sa isang room ni Hiro. “This will be your room, sa akin yung sa kabila. Kapag may kriminal, sumigaw ka lang.”
“As if naman,” itinulak ko sya palabas sa room ko.
Nag-ayos na ako ng gamit sa closet. Gusto ko ng magtampisaw sa dagat. Hindi ko nagagawa ang mga ganitong trip noong nasa States pa ako. Puro aral na lang kaya nakakasawa.
“Samara,” may kumatok. Sino kaya yun?
Pag-open ko ng door. “Kira? May kailangan ka?”
“Ha? Actually, tatanungin sana kita kung may kailangan ka pa.”
Natawa ako. “I feel comfortable here.”
“Good. Sige, aalis na ako. Just checking.”
Tumango ako. “Thank you.”
Isasara ko na sana ang pintuan ko nang humabol yung kamay niya. “Wait. Samara, ano, gusto mong magpalipad tayo ng kite?”
Wabby’s POV
Pagka-ayos ko ng mga gamit ko, dumiretso ako sa kwarto ni Samara. Pasimple lang ako baka kasi baka makita ako ni Hiro eh ang possessive niya kay Sam. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganun yun. May nalalaman na kaya siya?
“Sam,” katok ko sa pintuan. Walang sumasagot.
Natutulog kaya siya? Kunsabagay, nakakapagod din ang byahe.
“Kira, you’re so good in flying this thing!”
Boses ba yun ni Samara?
Sinundan ko kung saan nanggagaling. Paglabas ko---
Tumatakbo si Kira tapos hinahabol siya ni Samara. What are they doing? Pinanood ko lang sila.
“I really enjoy flying a kite,” si Sam ulit. Makikita talaga yung tawa at ngiti niya. “Buti nagdala ka ng ganito.”
“Makakalimutan ko ba naman na gusto mong magpalipad ng ganito,” umupo na si Kira, tinabihan niya ni Sam. “Masaya kasi ako kapag nakikita kitang masaya.”
“Hoy!” itinulak ako ni Linzy. Kailan pa ito tumabi sa akin? “Nagseselos ka?”
“Hindi ah, binabantayan ko lang si Sam,” tumingin ulit ako sa kanila, gumaya na din sya.
“Maybe it’s time, kuya.”
“Anong it’s time?”
“Akin na nga yang phone mo.” Inilahad niya yung kamay niya. “Ibigay mo sa akin.”
Kinuha ko mula sa bulsa ko saka ko ibinigay sa kanya. “Anong gagawin mo?”
“Wala lang.” Inilapit niya yung phone ko sa tainga niya. “Ayan, nagri-ring na, hintayin mo na lang.”
“Anong nagriring na?!” kinuha ko agad yung phone ko sa kanya. Pagtingin ko sa screen, tintawagan niya yung secretary ng lolo ni Sam. “Anong ginawa mo?”
“OA ka naman maka-react kuya,” tinignan niya yung screen ng phone ko. “Dali! Sinagot na.”
Taranta kong inilapit yung phone sa tenga ko. “Hello Sir?”
“Mr. William Bernard Fontana?”sabi sa kabilang linya.
“Y—Yes Sir,” nanginginig pa ang boses ko.
Ridge’s POV
This is life. Walang school, walang parents just FUN! Sayang nga lang at walang babae. Tsk. Kung isasama ko kasi si Jennica, mawawalan ako ng oras sa mga kaibigan ko. Psh, eh ang gusto pa naman ng babaeng yun eh sa kanya lang ako.
Pero isinama ko na lang sana siya kung alam kong pupunta pala itong si Linzy.
Hayyy, kung alam lang niya pinaglalaruan lang siya ni Kira. Pagseselosin na nga lang niya ako kay Markus pa. Kilalang kilala ko si Markus kaya hindi effective ang fake sweetness nilang ipinapakita.
I don’t like Linzy.
Una, the first time we met she said she likes me. Ang lakas talaga ng charisma ko pero ayoko ng ganung babae. Gusto ko yung pakipot muna.
Pangalawa, mas bata siya sa akin. Tapos pang-bata pa ang ugali!
Pangatlo, naiirita ako sa kanya. Basta, ayoko siya.
“Gumawa tayo ng bonfire mamaya,” sabi ni Kira.
Kumakain na pala kami ng dinner. Tsk, mabuti na lang at may sumamang chef sa amin. Akala ko ala-jungle ang magiging buhay namin dito.
Itong rest house na ito, once a week may pumupuntang taga-linis. Hindi naman kasi pwedeng may totally magbantay kasi naman, ang layo. Mamamatay lang ang caretaker nito sa gutom at loneliness. hahaha
“Oh yeah, masaya yan. Tapos magsayaw-sayaw tayong parang tribe,” ako.
“Mukha ka naman kasing galing tribe,” si Linzy.
Nakakainis talaga itong batang ito. Lagi na lang niya akong binabara. Lagi siyang against sa mga sinasabi ko. Problema ba niya sa buhay?!
“Mag-amazing race kaya tayo sa gabi?”
“I don’t agree with that Markus,” si Kira. “May mga kasama tayong mga babae.”
Ito talaga si Markus hindi nag-iisip. Si Samara at Mandy, inaalagaan yan ng barkada. Si Linzy? Wag na, okay lang na mawala siya ngayong gabi. HAHAHA
“Tagu-taguan kaya?” Wow, may naisip na matino ngayon si Hiro.
“Ano yun?” kunot-noong tanong ni Samara.
“Hide and seek.” si Kolokoy. Eksena talaga ito, pareho sila ng kapatid niya.
“Gusto kong maglaro ng ganun.”
“Dahil ako ng nakaisip niyan, I’ll set the rules,” si Hiro, ang bossy ng dating. “Kung sino ang last na mahahanap, makukuha niya ang gusto niya just for this night.”
“Tulad ng?” si Kira, nagkatitigan sila ni Hiro. This isn’t a good game.
“Kapag nanalo si Linzy, she can wish Markus to kiss her or----“
“Pwede ko bang i-wish na magkatabi kami ni Markus ngayong gabi?”Sumingit na naman itong bata. Hmp.
“Yeah,” tumango si Hiro. “Game ka ba Kira?”
Hindi namin laro ito, I swear. Laro lang nila itong dalawa. Napatingin na lang ako kay Samara na masarap ang kain.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanfictionHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!