< Masosorpresa ba kayo kung si Kira at Samara ang nagkatuluyan? ahaha. Eh what if si Samara at Hiro nga talaga? GULO EH. >
Samara's POV
Punong-puno yung dining table sa pagkain. Iniisip ko nga, mauubos kaya namin? Hm, siguro
kasi naman yung apat parang mauubusan ng pagkain, punong-puno yung pinggan nila ng pagkain.
Naku, kung makikita lang siguro ito ng mga babae nila MArkus at Ridge, iiwanan sila. Ang
tatakaw!
"Namiss ko ito," komento ni Ate Keiko.
"Oh yeah, I'm really waiting for this day," si Kuya Jimmy. Buti na lang behave siya sa
pagkain.
"Darating din po ba ang parents niyo?"
"Sila Witch?" Nagulat ako kasi ganun din pala ang tawag ni Ate Keiko, akala ko silang apat
lang. "This is a family outing...namin ni Hiro. Hayaan mo yung parents namin, they have
their own lives. Bawal namin silang istorbohin sa pagpapayaman nila."
Weird family. Galit sila sa parents nila. Wala ding pakialamanan bukod lang siguro sa
brother-sister connection nila. Mabuti na lang at meron sila Kira, MArkus at Ridge sa buhay
ni Hiro, at least he feels he is not a loner.
"Mag-bonfire naman tayo bukas tulad last year," suggestion ni Markus.
"Oo nga, Mandy just kissed Hiro that night."
Huminto lahat sa sinabi ni Ate Keiko. Ahm, kasama pala ni Mandy. Kung ganoon pala, kahit
noon pa ay itinuturing ng pamilya si MAndy. Kung wala ako ngayon dito, baka si MAndy ang
nasa lugar ko.
"That was before," pambawi niya. "Magandang idea nga yan Markus."
"Just remember sweetheart, stress is not good for you. You must sleep early," paalala ni
Kuya Jimmy. Ang sweet talaga nilang tignan. Sa titigan na lang nila, kinikilig na ako. What
a perfect couple!
Matapos ang kainan, yung mga lalaki bumalik na naman sa paglalaro nila ng cars kasama si
Kuya Jimmy. Kami ni Ate Keiko ang nagbonding habang pinapanood sila. Nakakainggit pero
nakakatuwa silang panoorin.
"Masaya akong nakasama kita ngayon." Napatingin ako sa sinabi ni Ate Keiko. Ang usapan lang
namin yung kakulitan ng apat tapos napunta sa akin. huhu. "This is the first time I saw
you. Mula ng malaman kong ikakasal si Hiro at hindi ko na mapipigilan iyon sinabihan ko si
Jimmy na wag pagkwentuhan ang topic na yun. I never read the newspaper nung kasagsagan ng
issue nor watch the television."
Hindi ako nagsalita. Ganun niya ba ako kaayaw...dati?
"Pero alam mo Samara, natuwa ako kanina nang batukan mo si Hiro? Ako lang ang nakakagawa sa kanya ng ganun. Si MAndy kasi, naninipa yun."
Uh-oh, there is the bad word again.
"Ang dami na yatang improvements ang three months niyong pagsasama ah."
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanfictionHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!