< Wedding bells!!! So ito na ang disgrasyang kasalan. Oo nga pala, paki-spread naman po na may kwentong ganito. Saka kung gagamitin niyo man ang kwentong ito, pakisama naman ang pangalan ng writer.hehe.
So, this is it! KEIZO-PEREIRA NUPTIAL>
Hiro’s POV
It is my wedding day. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko ang pagpayag sa kasalang hindi ko naman ginusto. Gusto kong tumakbo palayo at magtago na lang forever. Pero alam ko namang hindi ako mabubuhay kapag nangyari yun.
Ang alam ko dati, kapag ikakasal may pre-nup pang mga photos ang videos pero sa amin wala. Nagulat na lang ako prepared na pala ang lahat. Including the reception. I have no idea kung sino yung mga kinuhang ninong at ninang. Well, I don’t care.
Bago ako pumunta ng simbahan, tinawagan ko si Mandy. Hindi siya sumasagot. I just lose all my hope.
Pagdating ng kotse sa simbahan, dinumog ako agad ng mga media. Nakakainis. Oh ito na ang hinihintay niyong kasalan. I’m giving them what they want.
Napansin ko yung kasama ni Witch, nakalikod pero kilalang-kilala ko.
“Otosama.” I approach him. [Father]
“Look at you, ang laki mo na. I never expected na ikakasal ka ng ganito kaaga.”Kahit Japanese yung tatay ko, fluent pa rin siya sa tagalog. He learned the language nung ipinagkasundo sila ni Witch.
“Akala ko hindi ka pupunta.”
That is the truth. Once a year ko lang siya makita. That is the sad thing about my life, hindi ko kilala ang tatay ko. Ang alam ko lang, siya ang pinagmulan ng sperm na nagfertilize sa egg ng nanay ko at nabuong ako. Too bad.
“I thought the bride is Mandy.”
Tumikhim ako.
Oh yeah, si Mandy nga sana. Anong alam niya sa amin ni Mandy? Hindi niya pa nameet man lang. When we were still fighting for our love, wala siyang pakialam. Kahit nung tanggap na siya ni Witch, he never managed to gave us a visit para lang makita ang babaeng mahal ng anak niya.
And I know kaya siya nandito sa kasal ko.
Business matters again. Isa ang lolo ni Samara sa mga tinatarget noon pa para makipa-meeting man lang sana. Well ito na ang pinapangarap niya, magjojoined forces na sila.
“It’s not her.” Wala na akong masabi eh. Hindi naman kami ganon kaclose para magkwentuhan ng kung anong mga bagay. “Sisimulan na yata yung ceremony.”
Iniwan ko na sila. Pumunta ako sila Ridge, Markus at Kira na nakapila. Sila pala yung mga best men ko. Nakialam siguro sila. Pangako namin nung mga bata kami na kung sino man ang unang ikasal, yung tatlo ang best men. Ito na nga.
Hindi na sila umimik, nakita siguro nila kung saan ako nanggaling. Buti naman at na-sense nilang wala ako sa mood.
Kinanta ng choir ng simbahan yung Runaway ng The Corrs. ( Sabi ng writer, ito kasi yung naririnig niyang kanta ngayon kaya yan ang nilagay niya. ) Nauna ng naglakad yung tatlo tapos may sumenyas sa aking maglakad na. So yun, lakad naman ako. Ewan kung yung parents ko ang sumusunod sa kin. Hindi na din ako lumingon eh.
I utter a silent prayer habang naglalakad papalapit sa altar. I believe in God. Alam ko naman kasing ang kasal ay dapat pinapahalagahan. Nung bata ako, gusto ko minsan lang ako ikakasal pero ayaw ko sa babaeng pakakasalan ko ngayon. Ayaw niya rin naman sa akin, so why not divorce?
Andaming mga naglakad. Sa itsura pa lang nila, matataas na mga tao, mga bigatin. Namukhaan ko nga yung presidente eh tapos iba ding politicians. Hmp, nagmukha tuloy fiesta lalo pa at ang daming mga camerang nakatutok sa amin. Buti na lang matino ang media ngayon, andun lang sila sa likod. Wala ng mga interview. Sabi nga, ito daw kasal ko ang wedding of the year. Pwe! Bahala sila.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanfictionHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!