Chapter 33: THIS MEANS PEACE

52 0 0
                                    

Hiro's POV

Na-late ako ng gising, hindi kasi ako nakatulog na maayos. Magdamag kong iniisip yung nangyari kagabi. Buong gabi kong pinagplanuhan kung ano ang una kong sasabihin kay Samara kapag nagkita kami sa lamesa. Hindi naman maiiwasang magkita kami dahil nasa iisang bahay lang naman kami.

"Nana, si Samara?" tanong ko sa matanda nung wala dapat yung katapat ko sa mesa.

"May sumundo sa kanya kanina ng maaga."

Tinawagan ko sina Markus at Ridge kung nakita ba nila sa campus si Samara pero kababangon lang pala nila. Nagbrowse pa ako sa contacts ko kung sino ang pwedeng tawagan. Nakita ko yung picture ni Kira. Hindi ko pinansin.

"Ano pong kulay ng kotse?" Nag-aalangan pa akong tanungin, baka kasi yung iniisip ko ang sagot.

"Asul."

"Nabitawan ko yung kutsara ko." Sabi ko na nga ba, si Kira. Kailan ba niya titigilan si Samara? "Aalis na po ako."

Napaaga tuloy ako ng pasok. Sa room muna nila ako dumiretso, wala silang dalawa. Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase nila, hindi pa daw pumapasok sina Kira at Samara. Eh asan sila nagpunta? Subukang kidnapin ni Kira si Samara, lilimutin ko talagang magpinsan kami.

Nasalubong ko si Bulilit at si Kolokoy, kahit ayaw ko talaga silang pansinin wala akong magagawa. Baka alam nila kung nasaan si Samara.

"Hoy," inakbayan ko si Kolokoy na nanginginig yata. "Nasaan si Samara?"

"Bitawan mo nga ang kuya ko," itinulak ako ni Bulilit. "Wala siyang alam kung nasaan si Sam."

"Ikaw ba alam mo?" hinarap ko siya.

"Oo."

Nabuhayan ako ng loob. "Nasaan siya?"

"Ibigay mo muna sa akin ang number ni Ridge."

Hayyyy naman. Napilitan akong ibigay sa kanya yung number ni Ridge, magsosorry na lang ako mamaya sa kanya. ANg Kulit kasi nitong si Bulilit, halatang patay na patay sa kanya.

"Nakita ko kanina na umalis din agad sila ni Kira after pumasok sa gate. Nagpark lang sila saglit tapos umalis din---"

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya, basta ang alam ko kasama niya si Kira ngayon at wala sila sito sa campus. Dumiretso ako sa parking lot at sakto namang tumabi sa akin ang asul na >Mercedes Benz.

Kinuwelyuhan ko agad si Kira pagkababa niya. "Nasaan si Samara?"

"Hindi ko alam."

Sinuntok ko siya. Napaupo siya sapo-sapo yung panga niya. "Hindi mo alam eh kayo ang magkasama! Nasaan si Samara?!"

"Nagpababa siya sa park kanina tapos susundan ko sana siya pero hindi ko siya nasundan. Inikot ko ang buong park pero hindi ko siya nakita."

Hinawakan ko ulit ang kwelyo niya. "Wag ka na ulit makikialam sa amin." Sumakay na ako sa kotse ko at iniwan ko siya. Pero hindi pa ako nakakalayo, sumunod din siyang lumabas sa akin.

Uunahan ko siyang mahanap si Samara. Pero saan ako magsisimula? Wala akong maisip na puntahan niya.

Nag-aalala ako sa kanya.

Samara's POV

"Bili na Miss," nginitian ako ng tindera. Lumapit ako sa kanya. "Baka kailangan mo ng alagang kalapati."

Tinignan ko yung mga nakakulong na mga ibon. Kawawa naman sila. Siguro, gustong-gusto na nilang makawala. "Pabili po ng isa."

"Pumili ka na Miss."

Itinuro ko yung maliit na  kalapati sa sulok. "Yun na lang po."

Kinuha niya yung ibon saka inilipat sa mas maliit na hawla. Ibinigay ko yung bayad. "Para hindi mangamoy lagyan mo ng malaking lalagyan ng tubig yang hawla niya. Dun siya maliligo."

Tinanguan ko na lang yung tindera. Nang makalayo ako, binuksan ko yung hawla.

"Lumipad ka. Binibigyan na kita ng kalayaan. Wag ka na ulit magpapahuli."

Umikot-ikot pa sa akin yung kalapati bago tuluyang lumipad palayo. I feel a bit better. At least, I gave someone freedom. 

Freedom. Hindi ko alam kung gusto ko pa nga bang lumaya sa marriage namin ni Hiro. Ang saya ko kapag kasama siya. Masaya ako kapag nakikita ko siya. Masaya ako kapag sinusungitan niya ako. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Siya ang dahilan ng kasiyahan ko ngayon na ipinapanalangin kong sana ganito na lang.

Pero itinataboy niya ako kay Kira. Meron na kasi si Mandy eh. She is back.

"Samara!" Tumingin ako sa likod ko.

"Hiro?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kung makatingin kasi siya nakakatakot saka nag-away kami kagabi.

"Sayang naman yung binili mong kalapati."

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya paglapit niya sa akin.

"Nagsumbong sa akin yung prof mo na absent ka na naman at hindi ka gumagawa ng assignment mo. Hindi ko daw magagamit yung impluwensya ko dahil sa mga proof niya, talaga daw na mapapaalis ka sa Showa."

"Ha? Talaga?" Bigla kong naalala na may klase nga pala ako. "Naku, late na tayo."

"Hindi tayo papasok." Hinawakan niya yung kamay ko. "May pupuntahan tayo."

"Gusto mo ba talaga akong mapaalis sa Showa?"

Tumawa siya. "Gullible mo. Subukan nilang paalisin ka, ako ang magpapaalis sa kanila. Halika na."

Inakabayan niya ako tapos naglakad-lakad kami. "Ano bang problema mo? Kagabi lang galit na galit ka sa akin tapos ngayon ang bait mo."

"Kagabi lang yun."

"Hiro," hinarap ko siya. "Kung gusto mo ng annull---"

"Bingi ako eh, hindi ko marinig. Tara dun!" Hinila niya ako sa photo booth. Dire-diretso kami sa harap eh madaming nakapilang tao.

"Pumila po kayo Sir." sabi nung nagbabantay or editor siguro.

"Magkano ba para lang mauna kami?"

"Naku Sir, wala pong ganyan dito."

"Pumila na nga tayo Hiro." Pilit ko sa kanya, nahihiya na din kasi ako sa mga nakapila pa.

Humarap siya sa mga tao. "Pasensya na pero kailangan naming mauna. Kailangan lang kasi namin ng asawa ko ng patunay na nagmamahalan kami. Okay lang po ba?"

Nagpalakpakan yung mga tao. Nanloko pa ng mga tao dahil lang sa gusto niyang mauna. Pero my heart is beating in its fastest. Para daw na ipakitang nagmamahalan kami, weirdo!

"Mamili po kayo ng themes," nakangiting sabi nung editor.

Itinuro ni Hiro yung mga may frame na mga puso. Pinapasok na kami, apat daw na shot tapos iilaw naman ng mabilis kung malapit na yung flash.

"Ngumiti ka, mahal ang ibinayad ko dito," inakbayan ako ni Hiro.

"You're a bit weird today."

"Isa pa," niyakap naman niya ako mula sa likod.

"Naka-high ka ba ha?"

"Tingin sa camera." Hinawakan niya yung kamay ko tapos itinaas niya.

"We're not lovers Hiro---"

I just felt his warm lips in my left cheek. And there was a flash!

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon