Chapter 30: THE MORE THE CRAZIER

76 0 0
                                    

Hiro's POV

Naunang pumasok sa akin si Samara, ito-tour niya daw si Kolokoy at yung kapatid niya sa Showa. Sya pa ang mas excited kaysa dun sa dalawa sa first day nila. Nagpaalam nga siya kung pwede daw makiupo mamayang break para makilala nila yung Linzy yata yun. Pinagalitan ko sya, hindi pwede dun ang kolokoy nuh baka maiba impression ng mga estudyante sa amin.

Ang boring tuloy ng pagpasok ko, wala akong napagtritripan. Lagot sa akin mamaya yung kolokoy na yun.

Bago ako pumunta sa building namin, dinaanan ko si Samara. Yung babaeng yun, wala pa sa klase niya. Tinawagan ko pero hindi na naman niya sinasagot. Wag niya ng ipalusot na naka-silent ang phone niya, gasgas na yun.

Pag-ring ng bell, diretso na akong lumabas, hindi ko na hinintay si Ridge. Babagal-bagal eh, nakikipagkwentuhan na naman sa mga babae. Pagdating ko sa canteen, nakaupo sa may table namin si Kolokoy at isang babae, yung kapatid niya siguro.

Kung titignan naman, parang hindi sila magkapatid. Buti pa yung babae, as far as I remember Linzy ang pangalan niya, may itsura pero si kolokoy, nevermind na lang.

"Bakit kayo nandito?" pagsusungit ko. Wala ako sa mood eh, pakialam nila.

"Pinaupo ko sila," humarang si Samara sa harap ko.

"Check your phone," irap ko sa kanya saka umupo. Hindi ko pa rin pinapansin yung dalawa.

"Nagpaalam akong mauuna akong pumasok," sa tapat ko umupo si Samara. "Hiro, siya si Linzy at si Wabby." Itinuro niya yung dalawa.

"Is this your husband?" itinuro ako nung babae. "Talo nga si Kuya kung sa itsura pero duh! Ang sungit niya Sam."

At sino itong babaeng ito kung makapagsalita? Sabihan ba naman akong masungit, buti sana kung hindi ko naririnig.

"Do you live in the same house?" maya-maya ay tanong niya. Tumango si Samara. "The same room?!"

"Hindi ah," mabilis na tanggi ni Samara.

"Mabuti naman kung ganun Sam. Hindi ako matitiis ang ganyan kasungit na asawa."

"Titigil ka ba o paalisin kita ngayon dito?" hindi ako nakatiis. Ang daldal din ng babaeng ito, ang sakit sa ulo. "Kung hindi mo ihihinto yang bibig mo, ako mismo ang magtatahi nyan."

"Ang morbid mo," puno ng pandidiri niyang sabi. "Never yang magagawa ng kuya ko Sam. Kaya kung ako sayo kapag naghiwalay kayo nito, kay Kuya ka na."

"Hindi kami maghihiwalay ni Samara. Saka pwede ba, wag mo nga akong ikumpara sa kuya mo."

"Ang kuya ko Sam, matagal mo ng kilala. You know him well di tulad ng isa dyan, you just accidentally met him. A tip for you, kapag niligawan ka ulit ni Kuya, grab the opportunity."

"Anong ligaw yan?! Itong kolokoy na to niligawan si Samara?" Tumango ang madldal. Ngayon ko lang nalaman yun ah. As if naman kasing magkakagusto sa kanya ang asawa ko. "Asawa ko si Samara, wala na siyang magagawa."

"May divorce naman dito sa Philippines. Hindi talaga ako titigil hanggat di narerealize ni Sam na mali ang magpakasal sayo. My parents really wants Kuya and Sam to be married. Malas nga lang at sumingit ka."

WAh! Pigilan niyo ako kung hindi papatulan ko na talaga itong bubwit na ito.

"Hiro!" si Samara, masama ang tingin sa akin. "Bata lang siya."

"Hindi ako bata Sam, I'm sixteen okay?"

"Pwede ba tawagin mo ngang ate si Samara, mas matanda siya sa iyo."

"Mas sanay akong tawagin si Sam na Sam." Nagsukatan kami ng tingin, naputol lang nung dumating yung tatlo, ang mga natatangi kong kakampi.

"Sino ang mga bagong ito?" si Kira ang unang nagsalita pagkaupo nila.

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon