Chapter 35: LOVE THAT HURTS

74 3 4
                                        

Samara's POV

"Tikman mo," utos sa akin ni Hiro. Tapos na kaming gumawa ng Onigiri ba ito dahil mukhang hindi naman. "Baka mamaya, nakakamatay pala itong pagkain natin."

Sinumangutan ko siya. Ayaw ko ngang tikman. Ang turo kaya ni Nana ay dapat sa bawat lagay ng ingredients tinitikman. Si Hiro naman, ayaw tikman kaya bahala siya sa finished product.

"Kaya tayo nagluto para lasunin ako?"

"Bahala ka nga." Kumuha siya ng chopsticks tapos tinikma yung isang rice ball. Actually, hindi simple lang naman ang Onigiri, it's just a rice ball kaya lang kasi hindi talaga kami destined ni Hiro sa kusina.

I waited him to choke or something. Mahirap na kung may mali nga sa Onigiri na ginawa namin.

"Okay lang ba?"

Nag-thumbs up siya. "Delicious. Tikman mo din at----"

Bigla niyang hinawakan yung leeg niya like someone is choking him. And he can't even say a single word!

"Hiro!" Hinawakan ko siya. He is shaking! Nahulog pa siya sa upuan, mabuti na lang nasalo ko siya. "Nana! Nana, tulong! Nana!"

Hinawakan niya yung kamay ko, ang higpit. Oh Lord, don't let him leave me. "Sa---Sama---"

"Hiro," umiiyak na ako. Just for this food, mamamatay si Hiro. Ayoko! Ayoko siyang mawala! Yung mahigpit na hawak niya, unti-unting nag-loose. He closed his eyes. "Hiro! Hiro! Hiro! Hiro! Hiro!"

Hindi ko alam kung ilang beses kong sinabi yung pangalan niya hanggang sa bigla na lang siyang dumilat at tumawa. His face is soooooo red.

"Very funny Hiro." Tumayo ako tapos pinunas ko ang luha ko. Nakakainis, hindi niya alam kung gaano ako kinabahan dun.

Tumayo na din siya tapos kumain pa ng Onigiri. "Totoo ba yung iyak mo?"

"Of course!" Kumuha na din ako ng Onigiri. Tinikman ko, masarap nga. Rice lang siya pero it's something different. "Papatayin mo ba ako sa kaba?"

"Gusto ko lang malaman kung iiyak ka kapag may nangyari sa akin."

"Anong tingin mo sa akin, devil like you?"

Tumawa lang siya. "Malay mo, umiiyak din ang devil."

"Well, I don't see it. Ikaw na as the example, you don't care about those people around you."

Natahimik siya, what I just said might hurt him. Ibig sabihin, that's true. Hindi ko na siya pinansin, kumain na lang ako ng Onigiri tapos pagtingin ko sa kanya, nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Kanina niya pa ba ako tinitignan?

Si heart, nakipagkarera na naman sa Olympics. Calm down.

"Masarap ba?"

Tumango ako. Pagtingin ko sa pinggan, wala ng natira.

"Gagawan na lang kita ulit...someday."

"Okay lang," kinuha niya yung plate tapos nilagay sa sink. "I just tasted the best Onigiri today."

"Siguro nga may future tayo sa pagluluto."

Ngumiti lang siya, tapos iniwan niya akong nakatunganga. Okay, siya na si Mr. Weirdo ngayon. Kagabi, inaway niya lang ako and now super bait niya. May pinaplano siguro siya.

Hiro's POV

Kanina pa ako nakatingin sa kisame. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako kapag naaalala ko yung reaksyon ni Samara nung nagkunwarian akong may something bad sa Onigiri. Nakakatuwa kasi she cares for me.

Nagpaalam sila kanina ni Nana na may pupuntahan lang saglit, nag-oo ako. Matanda naman na sila para alagaan ang sarili nila. Saka si nana yung kasama ni Samara, walang mangyayari sa kanilang masama. Knowing Nana, mas nakakatakot pa siya sa mga tambay.

Tinignan ko yung table sa tabi ng kama. Si Samara, halatang gulat na gulat nung hinalikan ko siya booth although may sinasabi pa siya nun.

Inopen ko yung drawer, itinago ko na nga pala dun yung picture namin ni Mandy. May mga buhay na kami, we have different priorities. Siguro nga time na to let her go, let me go.

All I want is to see Samara happy. Nagpromise nga ako sa kanya diba tapos hindi ko din tinutupad. I always make her cry. Ipapakita ko kay Kira na hindi siya kailangan ni Samara para sumaya. Samara has me.

Nagvibrate ang phone ko. Text message from Mandy.

From: Mandy

Nandito ako sa labas ng bahay mo.

Pagkabasa ko, bumaba agad ako para buksan ang pinto. I'm not excited, kinakabahan ako. Matagal-tagal na ring hindi pumupunta si Mandy dito. Baka hanapin niya yung room niya, eh kwarto na nga ni Samara diba. Saka yung mga gamit niya, asan na nga ba yung mga yun?

"Hi Hiro!" bati niya sa akin pagkabukas ko. May ibinigay siyang karton sa akin, cake na naman as usual.

Automatic na umupo siya sa sala habang hinihintay niya ang pag-slice ko ng cake. Just like the old times.

"Here," inabot ko yung plate.

"Wala pa ring nagbago dito sa bahay mo." Tumingin-tingin siya sa paligid. "Nasaan si Nana?"

"May pinuntahan sila ni Samara."

"Oh I see. So yung room ko ba---"

"It's Samara's now."

"As I expected," pilit siyang ngumiti. "Hinahanap kita kanina. Hindi pala kayo pumasok ni Samara."

"May inayos lang kami."

"Kailan naman maaayos yung sa atin Hiro?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Gaano pa ba ako katagal maghihitay Hiro?"

"Hindi mo na ako kailangan pang hintayin Mandy."

Tumunog yung tinidor sa lamesa. Pagtingin ko sa kanya, tumutulo yung luha niya. She is shocked about what I said.

"Mahal kita Hiro, alam mo yan. Bumalik na ako Hiro, ano pa bang gusto mong gawin ko?"

"You've done enough," hindi ko mapigilang yakapin siya. I just don't want to see her cry. "You can't wait for me Mandy."

"Alam mong kaya kitang hintayin Hiro. Ayaw mo lang magpahintay."

"Mandy, tayo rin ang nasasaktan sa ginagawa natin. I'm hurting you. Wala ka ng karapatan sa akin Mandy, I'm married."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Pupunasan ko sana yung mga luha niya pero pinigil niya ako. "Dahil ba ito kay Samara?"

Umiling ako. "Wag siyang kinalaman dito."

"Sabihin mo ngayon na mahal mo pa rin ako Hiro."

Sa halip na sumagot ako, yumuko ako. I just don't know the answer anymore. Ako na nga siguro ang pinakamasamang lalaki sa mundo. I just hurt Mandy.

"I gotta go Hiro." Tumayo na siya. "Salamat sa pagpapatuloy sa akin."

"Mandy," hinawakan ko yung kamay niya. "I'm sorry, nasasaktan na kita."

"Kung hindi ba ako umalis Hiro, tayo pa rin ba?"

"Wag mong sisihin ang sarili mo Mandy. Ito na tayo ngayon, you're talking about the past."

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon