Chapter 34: CHANGE UP

43 0 0
                                        

Hiro's POV

Ang gusto ko lang ngayon ay makitang masaya si Samara.

Ewan ko ba, kasi napasaya niya ako nung sinabi niyang ako ang nagpapasaya sa kanya kahit lagi ko siyang 

inaaway. Buti na lang pala inaway ko sya nun. Haha

Pero hindi ko na uulitin yun, baka umiyak pa ulit siya eh.

"Bakit dalawa pa ang pinagawa mo?" tinitignan ni Samara yung dalawang frames na hawak niya. "Saka sa lahat ng 

pictures natin bakit ito pa?"

Sinulyapan ko lang siya dahil nagdadrive na ako pauwi. "Masama bang ipa-frame yang picture nating yan?"

"Ang pangit ng mukha ko dito, mukha akong minulto tapos dalawa pa."

"Kasalanan ko bang ganyan ang itsura mo nung hinalikan kita? Anong bakit dalawa pa?" itinigil ko ang sasakyan 

saka ko sya tinignan. Ang hirap talagang mag-explain sa mga sloooooow. "Tig-isa tayo."

"Aanhin ko naman sana ito?"

"Ilagay mo sa kwarto mo." Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho. "Hindi na tayo papasok ngayon."

"Ha? Bakit?" hysterical na tanong niya. "Wala na akong natututunan."

"Kasalanan ko bang hindi ka nakikinig sa klase mo? Mabuti nga at nakakapasa ka pa sa exams. Fourth Year ka na, 

magka-college ka na ilang buwan na lang. Tapos hindi mo sineseryoso ang pag-aaral mo."

"Nagsalita ang tamad mag-aral."

"Sino ang pinakamataas sa Management DEpartment?"

"Si Ridge."

"Sinong susunod?"

"Si Markus."

"Tapos...."

"Oo na, ikaw na."

"Eh ikaw? Nasaan ang pangalan mo sa result ng exams? Nasa third to the last. San ka ba nagmana ng kahinaan ng 

utak mo?"

"Isa kang demonyo. Pinag-exchange mo ang mga utak natin."

Hayyyy. Iba din talaga ang imagination niya. Nakakairita pero nakakatuwa. A nineteen year old thinking those 

things. "Ipahasa natin yang utak mo."

Nag-U turn ako. May naisip akong pupuntahan namin.

"Saan tayo pupunta?"

"Kung ayaw mong sumama, pwede kang tumalon habang tumatakbo itong kotse. Hindi kita pipigilan."

Tumahimik siya. Good.

Samara's POV

Nakakainis, pwede daw akong tumalon fron his car tapos hindi niya ako pipigilan. How cruel.

Huminto kami sa tapat ng isang bookstore. Balak niya ba akong pagbasahin ng mountain of books?

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko, hindi pa rin ako bumababa kahit pinipilit niya akong bumaba.

"Kung ayaw mong bumaba dyan eh di wag."

Iniwan niya ako, pumasok na siya. 

Wait. Isip-isip, susundan ko ba siya?

Inhale. Exhale. BUmaba ako tapos pumasok din sa bookstore. Maliit lang na bookstore yun, mukha ngang luma ee 

pero sa labas lang. Ang pangit kasi ng structure nung building pero malinis sa loob. Pagpasok ko, naamoy ko 

agad yung mga leaves ng libro. Ang bango, nakakaaddict.

"Bakit ka nandito?"

Napatingin ako sa likod ko. Si Hiro, may mga hawak ng libro. "Ano yang mga pinagbibili mo?"

"50 Ways For A Perfect Marriage. How To Be Her Ideal Husband. 100 Things A Married Couple Should Do."

"Bakit ganyan ang mga binili mo?"

"Babasahin ko." Tapos tinalikuran niya ako at bumalik sa shelf.

Anong problema niya? He is weird. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. I just don't know why.

Nakitabi na rin ako sa kanya tapos naghanap din ng mga libro. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga libro eh.

"Nakapili ka na?" tanong niya sa akin. Itinaas ko yung kamay kong may hawak na mga libro. "Ako ng magbabayad."

Dapat lang kaya, siya ang nagdala sa akin dito.

Ibinaba ko yung mga librong napili ko sa counter.

"Cooking books?!" tumingin sa akin si Hiro. "Anong gagawin mo dito?"

"Gusto kong magluto."

"Meron na si Nana sa bahay."

"Eh gusto kong matutong magluto. Para naman kaya kitang ipagluto ng walang tulong si Nana."

Nag-pause siya sa saglit tapos ngumiti. OMG! Nababaliw na siya.

"O sige, ito lang ba ang bibilhin mo?"

Tumango ako. Tapos sayang-saya siyang nagbayad sa counter.

Hindi ko alam kung bakit ang dami niyang librong binili, asa namang mababasa niya lahat. Tapos habang nasa 

kotse kami at nagda-drive siya, ini-scan ko yung isang cooking book na binili ko. Mukha ngang masasarap yung 

mga recipes dun pero feeling ko mahirap lutuin. Huhu

"Ipagluto mo ako mamayang gabi."

"Aaralin ko pa ito noh. Masyado kang excited," sumimangot ako.

"Gutom ka na ba?"

Umiling ako pero nung tinignan ko yung wrist watch ko, magaala-una na pala. "Gutom na pala ako. Hindi ba tayo 

papasok ngayong tanghali?"

"Ayoko, tinatamad ako."

"Papasok ako."

"May pupuntahan pa tayo."

"Saan na naman?" Tsk, lagi na lang kaming absent. Baka hindi kami makagraduate nito.

"Basta, pumili ka ng masarap na recipe dyan."

Wala akong makita eh. I mean, wala akong mapili. Ang sarap kasi lahat. Pictures pa lang yun ah. Gusto ko lahat 

na kainin!!!

Hindi ko namalayan, huminto kami sa isang supermarket.

"May napili ka na?"

Napatango na lang ako. "Hindi ko alam kung gusto mo---"

"Patingin nga nyan," kinuha niya mula sa akin yung recipe book. "Onigiri?"

"Ah kasi ano----"

"Bakit ka bumili ng japanese recipe book?" Ibinalik niya sa akin yung libro, ibinato niya pala.

"Kasi ano...kasi ikaw kasi baka Japanese food ang gusto mo.

Tumingin ulit siya sa akin pero nakangiti na. "Sige, tayong dalawa ang magluto. Hindi ko din alam magluto ng 

Inarizushi."

"Ha? Wag na lang----"

"Halika na," binuksan niya yung pintuan. Wala na akong nagawa.

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon