Chapter 28: REALIZE

51 0 0
                                    

Samara's POV

Ang sakit ng noo ko, nakailang pitik si Hiro kagabi. ANg unfair niya talaga, iisa lang naman yung pitik ko samantalang siya hundred times yata. huhu

Pagkagising ko kaninang umaga, OMG! ako naman ngayon itong nakayakap sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya nagising. Dapat nga hindi ako nagugulat na siya yung unang makita ko sa umaga kasi nga diba asawa ko siya pero kasi hindi naman kami forever.

"HAlika na," hinila na naman ako ni Hiro.

"Kumakain pa lang ako." Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya saka ako umupo ulit. Nakatingin sa amin sina Ate Keiko at Kuya Jimmy, nakakahiya. "Respect the food."

"Ang taba mo na, hindi mo na kailangan ng pagkain."

"Ang sama mo talaga," tumayo na ako. NAconcious din kasi ako baka lumalapad na pala ako pero hindi ko pa rin namamalayan.

"Mauna na kaming aalis ni Samara," paalam niya sa mga kumakain pa na wala ng nagawa kundi ang tumango. Pinasakay niya ako sa kotse niya tapos nagpatugtog siya ng malakas sa stereo.

Teka!

"Hoy, bakit Perfect Two?" tanong ko sa kanya pagkastart ng sasakyan.

"Bakit? May masama ba sa kantang yan?"

Umiling ako. Problema niya? "Eh kasi yan yung kinanta ko nun, nakakahiya kaya."

"Dedicated yun sa akin noh."

"Ang kapal mo, para sa inyong lahat yun."

"Sige nga, kantahin mo ulit yun."

"Ayoko." Hindi ko siya pinansin. Arrrgh! Sinasabayan niya pa yung lyrics. Feeling ko tuloy kahiya-hiya yung ginawa ko nun sa resto.

"CAuse you're the apple to my pie. You're the straw to my berry. You're the smoke to my high. And you're the one I wanna marry..." ang korni!!! I need cotton balls, ang sakit sa tainga ang boses niya. "Cause you're the one for me and I'm the one for you..."

Pinatay ko yung stereo niya. "Masakit po sa tenga."

"Hindi mo ba narerealize?"

"Ang ano?"

"You're the one I wanna marry," kanta niya tapos tumawa siya ng malakas.

"You're so annoying!" Humarap ako sa may bintana. Nakakainis talaga siya. At naiinis din ako sa sarili ko kasi may epekto yung sinabi niya. AAARGGGHHH! May sakit nga yata ako sa puso, ang abnormal eh.

"Hoy Samara peace na."

"Peace your face!"

Narinig ko siyang huminga ng mmalalim tapos may click, tumunog yung sterro. "O sige,  mag radyo na lang tayo."

( Now playing: Realize by Colbie Calliat )

Sinasadya ba talaga ng pagkakataon? Wow naman daw, nakakatama. Hinarap ko si Hiro pero seryoso siya sa pagmamaneho. Wah, ako lang ba ang affected?

"Bakit?" Lumingon lang siya sa akin tapos bumalik din sa road yung vision niya.

"Babalik na ba tayo agad sa Showa?" Wala na akong maisip na sasabihin eh. OMG, nasa panic mode ako ng walang dahilan.

Tumango siya. "Ayaw mo na namang pumasok."

"Hindi naman."

Silence.

"May dadaanan muna tayo, gusto mo?" lumingon ulit siya sa gawi ko.

Tumango ako. "Sino?"

"Sino? I mean, dadaan muna tayo sa isang lugar."

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon