Chapter 43: DUG DUG DUG

80 2 4
                                    

Author's Note:

I'm not really sure about the translations pero sana nagets niyo yung conversations. :)

Mandy’s POV

Nasasaktan na ako. Ilang beses ko ng sinabi na okay na ako pero naapektuhan pa rin ako kina Samara at Hiro. Pinilit kong wag silang pansinin pero bawat pag-iwas ko, doble pa yung sakit.

I hate Samara. Ako sana ang nasa sitwasyon niya ngayon.

“Nani hoshii ka (What do you want?),” narinig kong sigaw. Sino ba yung mga yun? Gabing-gabi na tapos hindi man lang maisip magpahinga.  “Asawa ko na si Samara.”

Pagkarinig ko pa lang ng pangalang yun, alam ko na kung sino ang mga yun.

Nakita ko si Hiro, hinahawakan sa kwelyo si Kira tapos si Ridge pinapanood lang sila. Ano bang problema ni Ridge, bakit hindi niya awatin yung dalawa?

“Iutta deshou (I told you),” inalis ni Kira yung kamay ni Hiro. “Watashi wa kanojo wo aisiteru sosite korekaramo zutto aisimasu (I love her and I will always love her).”

Nakakainis, wala akong maintindihan. Basta ang alam ko lang, kasama sa pinag-uusapan nila si Samara.

“Anata wa kureijīda! (You’re crazy!),” galit na sumipa sa may buhanginan si Hiro. “Anata wa kanojo o motsu koto wa dekimasen (You can’t have her).”

“Watashi wa kanojo o motte irudeshou (I will have her),” tumalikod na si Kira. “Itoko (cousin).”

“Gago ka Kira!!!” hahabulin pa sana ni Hiro si Kira pero pinigilan siya ni Ridge. “You’re being selfish! You can’t give her that happiness.”

“May naintindihan ka ba?” napatalon ako sa boses na yun. Tumawa lang si Markus. “Kailangan mo bang i-translate ko pa yung mga sinabi nila?”

“Hindi. Wala akong pakialam,” umalis na ako. Bwisit na Markus. Nakakainis, talagang makikipag-away pa si Hiro kay Kira para kay Samara. I was once that girl between them. Grrrr!

Pero bakit ganun kagalit si Hiro? I never saw those angry eyes because of me. Mahal na ba niya si Samara? No. Hindi pwede.

Samara’s POV

Ang weird weird talaga ni Kira kagabi. Gusto niya lang daw akong makasama. Tapos ung niyakap ko siya, tuwang-tuwa siyang parang bata. Alam mo yun, ang weird lang talaga.

“Gusto mo bang makasama ang guardian angel mo Samara?” naalala ko pang tanong niya kagabi.

“Suko na ba ang guardian angel ko?”

“He will never be tired of protecting you, caring you, lov--- yun.” Tumawa lang siya. “I’m here Samara. Andito lang ako. Wag mo lang akong itulak palayo.”

He said many weird things, ang gugulo. Ganun ba kapag birthday ng isang tao, kailangang nagiging weird? Siguro kailangang magbirthday ulit ako para maintindihan ko din sya.

“Sam!” paglingon ko, si Wabby. “Wabby!!!”

He seemed not okay. Nanginginig pa siya.

“Sam,” tinignan niya ako. I felt the fear. Ganito yung nararamdaman ko kapag emergency, meaning about kay Lolo na naman. “Sam kasi…”

“May nangyari ba kay Lolo?”

“It’s not that Sam. Sam, I’m so sorry kasi---“

“Samara!” may umakbay sa akin. Bwiset naman itong si Hiro, singit-singit sa conversation namin. “May sasabihin ako sayo.”

Hinila niya ako palayo kay Wabby, tuloy-tuloy sa beach.

“Bakit?!” inis kong tanong. “Bilisan mong sabihin at may pinag-uusapan kami ni Wabby.”

“Pwede ba,” pinitik niya yung noo ko pero hindi masakit tulad nun. Nanghihina ba siya? “May sasabihin nga ako sayo diba? Wag mong intindihin yung kolokoy na yun.”

“Wag mo ngang tawaging ganun si Wabby. His name is Wabby.”

“Wabby na kung Wabby, wala akong pakialam.” Sumeryoso yung mukha niya. Nakakatakot. “I like you Samara.”

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Nabingi na ba ako? I can’t here the waves nor the wind. Or am I just stoned? I can’t even move a finger pati yung pupil ng mata ko, diretso lang kay Hiro.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.

Pinitik ni Hiro yung noo ko, this time masakit na naman. “Wala ka man lang sasabihin? Tutunganga ka na lang?”

“Ano yung sinabi mo?”

“Hindi ko na uulitin yun. Linisan mo nga yang tainga mo,” inis siyang umupo sa sands.

He said he likes me, diba? Tama yung pagkakarinig ko diba? Diba?

And I’m smiling for that reason. Nakakainis!

“Hiro!” umupo ako sa tabi niya. “Ulitin mo nga yung sinabi mo.”

“Hindi ko na uulitin yun, kasalanan mo kasi bingi ka.” Tumayo siya tapos naglakad-lakad siya sa shore. Ako naman itong sumunod sa kanya. “Bumalik ka na nga kay kolokoy.”

“Ha?”

“Wag mo nga akong sundan,” hinarap niya ako. Inis yung mukha niya. Kahit kailan talaga ang sungit niya. “Bumalik ka na nga dun. Shoooo!”

Bwiset itong lalaking ito, itinataboy ako. Ilunod ko na lang kaya siya sa dagat?

Pinanood ko na lang siyang maglakad palayo sa akin. If he only knew, I’m feeling the same thing. Huhu. Ako pa ngayon itong nabasted.

“I LOVE YOU HIROOOOOOO!”

Sana nag-echo. Sana narinig niya. Sana tumingin siya sa akin. Sana---

Tuloy-tuloy lang siyang naglakad. Ouch! Brokenhearted ako.

Bad mouth, bad heart.  Kainis lang.

Makabalik na nga lang kay Wabby. Buti pa siya---

“Samaraaaaaaa!!!”

Si Hiro, nakatayo lang siya dun tapos kumaway lang siya. Eh ano naman ngayon?  Mas maganda siguro kung sinabi ko na lang na gwapo siya kahit ang ang sungit niya. Which is true naman.

Pero sinabi kong I love him, which----

DUG. DUG. DUG. DUG. DUG. DUG.

--- oo na! Totoo na yun! Hindi kasinungalingan!!!

“Samaraaaaa!!!” hindi ko na lang pinansin. Bwiset na lalaking yun. Doon na nga lang ako kay Wabby, magsusumbong ako.

“Samaraaaaaaaa!!!”

Bla. Bla. Bla. Wala akong naririnig. Wala!!!

Tapos may biglang naghawak ng wrist ko. “Who the---“

“Samara,” hinihingal na sabi ni Hiro. “Ulitin mo nga yung sinabi mo.”

“Maglinis ka nga ng tainga mo,” inalis ko yung kamay niya.

Maglalakad na sana ako nang bigla niya akong hinila at niyakap.

DUG. DUG. DUG. DUG. DUG. DUG. DUG. DUG.

My heart’s beating faster and faster and faster and faster.

It’s becoming louder and louder and louder and louder.

“Hindi mo na kailangang ulitin Samara, your heart is saying it.” Ang lapad ng ngiti niya.

“Ano naman ngayon,” inilayo ko yung sarili ko.

Hinawakan niya yung isang kamay ko and put it in his chest. “Hindi ko na din kailangan ulitin yung sinabi ko, just hear my heart.”

Agad kong binawi yung kamay ko. Nakakapaso. Hindi ko din alam, bigla na lang tumulo ang luha ko. Is this happiness, Hiro?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon