Chapter 22: TWO BEASTS

52 1 0
                                    

< Sana magutuhan niyo ang chapter na ito. Wala lang, gusto ko lang kasi itong chapter na ito, haba ng hair ni Samara eh. >

Hiro's POV

Ako ang naghatid kay MAndy pauwi sa bago niyang tinitirhan, may kalayuan din naman kasi yun

saka dati ko na itong ginagawa noon pa man. Kung titignan kami para lang talagang walang

ipinagbago. I tried to act formal kasi alam kong may asawa na ako pero si MAndy ito eh.

Ibang usapan siya.

"Hiro, hindi ko alam kung papayag ka pero sana panoorin mo mamaya ang pagtugtog ko?"

"Anong pagtugtog?" kunot-noo kong tanong.

"Ako ang main event ng concert ngayon. THe Music Club invited me, I can't turn it down.

Although alam kong ikaw ang bida sa kabila sana makita kita sa harap mamaya. I promise,

sasabihin kong maaga akong tutugtog para makahabol ka sa play."

Patay! Bakit ngayon pa ito nangyari? Now the destiny is making me a choice. Ano ang

pipiliin ko? NAkapangako na ako kay Samara, saka may deal kami. But I never missed a chance

to watch Mandy. Wah! Nakakainis! Ibang usapan nga si MAndy diba pero gr!

"Maaga akong tutugtog. Promise!" Nakataas yung kanang kamay niya. "Please, Hiro?"

Tumango ako tapos sayang-saya niya akong niyakap.

"Hiro Keizo," bulong niya sa akin. "I love you."

Nanatili lang kaming ganun. Ang tahimik.

"Hiro?" bumitaw siya sa akin tapos tumingin sa mga mata ko. "Sabi ko mahal kita."

"Mahal kita." Pagbikas ko nun sumabit siya sa leeg ko. I feel weird.

Pagkauwi ko sa bahay, nauna na daw umalis si Samara. Naka-ilang tawag na din daw siya sa

bahay, tinatanong kung nakauwi na ako. Tss, tinignan ko yung cellphone ko. Five messages

saka thirteen missed calls!

From: SamaraBAKA

Hiro, nauna na ako ha. Hintayin na lang kita sa backstage.

From: SamaraBAKA

Uy Hiro, pinapunta ko nga pala si Wabby. Asan ka na?

From: SamaraBAKA

Don't forget your lines ha. Asan ka na? Busy na lahat ng tao dito. Ikaw na lang ang kulang oh.

From: SamaraBAKA

Asan ka na Hiro? Wag mo naman akong pakabahin, may usapan kaya tayo. Halika na.

From: Kira

It's your choice.

I clenched my fist tapos inilagay ko na lang sa drawer yung cellphone ko. Alam na ni Kira

na tutugtog nga si MAndy sa kabila. Hahabol na lang ako sa stage play, hindi naman nila

yung masisimulan ng wala ako. Saka naka-oo ako kay Mandy at hindi ko siya pwedeng hindian.

Pagkatapos kong maligo, sinundo ko agad si Mandy. Ang saya niya saka...ang ganda niya. Dati

naman na siyang maganda pero seeing her in formal dress makes me think I'm lucky she loves

me. Ang korni ko.

Kagaya ng bilin niya sa harap daw ako umupo. HIndi masyadong puno ang concert hall, hindi

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon