< Dali! Basahin niyo, may kissing scene dito. hahahaha. peace ^^V . Bawal pa ang chapter na ito sa mga bata. >
Samara's POV
"Memorize mo naman na eh." Pagrereklamo ni Wabby. Sinundo ko siya kanina sa airport. Nang
sabihin ko sa kanyang aarte ako, siya pa ang mas naexcite sa akin. Tapos nung utusan kong
basahin niya yung ibang lines para malaman ko talaga kung alam ko na yung script,
nagrereklamo siya.
"Hindi pa nga. Baka pumalpak ako mamaya, nakakahiya." Ibinigay ko ulit sa kanya yung mga
papel na ibinaba niya. "Sige na Wabby."
"Kaya mo naman na eh. You can do it." Ibinaba niya ulit yung script. "Nasaan na ba yung
asawa mong masama ang ugali?"
"Nandyan lang yun. Sige na."
Umiling siya. "Wag ka nga kasing kabahan."
"Eh sa kinakabahan nga ako. Baka mamaya mablanko ako." Sinimangutan ko sya. "Kung kabahan
pa man din ako, nagiging clumsy ako."
"Halika nga dito," hinila niya ako sa tabi niya. "Kahit ano man ang gawin mo mamaya,
papalakpakan kita. Kung gusto mo nga, umeksena pa ako dun eh. I'll create an standing
ovation."
Yinakap ko sya. "Buti na lang at meron ka ngayon Wabby."
"Samara," lumapit sa amin si Kira. Medyo nagulat pa siyang ganoon ang posisyon namin ni
Wabby.
"Si Wabby, my bestfriend. Ito naman si Kira, pinsan siya ni Hiro kahit hindi halata." Si
Wabby kumaway lang pero si Kira, yumuko pa. Magalang na bata. Haha
"Kailangan ng lagyan ng make-up si Samara, kung maaari sana ay ituloy niyo na mamaya ang
pag-uusap niyo."
"Ah sige," tango ni Wabby. "Galingan mo Sam!"
"Salamat Wabby. Uy, doon ka sa harap umupo ah para makita kita." Sabi ko bago ko sinundan
paloob ng backstage si Kira.
Medyo magulo na nga pagkapasok ko. Ang daming daan ng daan tapos ang ingay. Hinahanap ang
ganito, ang ganoon. Hay, ganun pala. Nadadagdagan tuloy ang kaba ko sa bawat taong nakikita
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanfictionHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!