Chapter 40: HIS DENIAL

69 1 0
                                    

Hiro’s POv

Umusod si Kira sa inuupuan niya, doon umupo si Mandy. “Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi para sa birthdy celebration ko.”

Ngumiti lang siya. “Hindi dahil sa napalitan na ko, mawawala na ako sa mga ganitong trip.”

“Ikaw naman Mandy, tropa ka na kaya namin,” si Markus. “Oo nga pala, this is Linzy, Wabby’s sister. Nagkakilala na ba kayo ni Wabby, bestfriend ni Samara.”

Nag-Hi siya sa kanila. “Nice to meet you. Wag kayong mapikon sa mga kakulitan nila ha.”

“Mas gumanda ka ah,” si Ridge naman.

Tumawa lang siya. I admit, mas gumanda nga siya. Nagpaputol na siya ng buhok, hanggang balikat na lang tapos brownish ang kulay. Nag-iba na din siya ng fashion taste, lagi siyang nakadress dati but now she’s wearing a shirt and a jean. Mas bagay niya ang ganyang damit.

“Wala ka bang masasabi dyan Hiro?” pinalo ni Markus sa akin yung magazine na hawak-hawak ko. “Tititigan mo na lang ba si Mandy?”

“May iniisip lang ako,” kinuha ko yung magazine na binabasa ko. Hinarap ko si Mandy, yung casual lang. “So, dito ka na ulit sa Pilipinas?”

“Yeah, tapos ko na ang training ko. Hihintayin ko na lang ang graduation tapos babalik ulit ako sa Kansas.”

“Good for you, matutupad na rin ang pangarap mo.” Wala na kong alam na sasabihin mo” Just trying to be formal ayaw ko namang may masabi na naman silang iba.

“Dapat masulit na natin ang last days ng pagiging high school student,” si Markus. “Magseseryoso na tayo, hassle yun. Ikaw Linzy, dapat ngayon pinagbubuti mo na ang pag-aaral mo.”

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon