Chapter 31: WHEN EVERYTHING GOES WRONG

48 0 0
                                        

< Sana suprtahan niyo pa rin ang kwento ko kahit isiningit ko na naman si Mandy plus sina wabby at Linzy." >

Kira's POV

"Hindi pumasok si Hiro sa klase namin kanina," sumbong ni Ridge kay Samara.

"malamang pikon pa rin yun." Si Markus naman.

"Talaga? Nag-sorry naman na ako sa kanya sa text eh."

Nakatingin lang kami kay Samara. She is really bothered. Baka iniisip niyang galit sa kanya si Hiro dahil pinaupo niya sina Linzy at Kolokoy sa lamesa namin kaninang break.

"Hindi ka na nasanay kay Hiro," inabot ko sa kanya yung order niya.

Pinatawa na lang kami ni Ridge para maiba naman ang usapan.

Para sa akin lang naman, okay lang kung may ibang umupo sa lamesa namin. Isa pa, malapit kay Samara sina Kolokoy at Linzy. Next time siguro, pwede namang mapagsabihan si Linzy. Masyado kasing madaldal eh, ang sakit din sa tenga.

Napalingon si Ridge sa pintuan tapos natigil sa pagtawa. Pagtingin namin, si Mandy, nakakawit sa braso ni Hiro. Nakabalik na pala siya ng hindi namin nalalaman.

Kaya ba wala si Hiro sa klase ay sinundo niya pa mula sa airport si Mandy?

Sinalubong namin sila. Actually, hindi naman ako yung masyadong naexcite na tulad nila Markus at Ridge na sayang-saya na nakita si Mandy. Masaya din naman ako pero ang inaalala ko ay si Samara.

Babalik na naman ang awkwardness.

“Check your phone," si Samara tapos agad na umalis sa canteen. 

“Check mo daw phone mo baka nanakaw bro," patawa ni Markus pero agad din niyang binawi yung smiley face niya nung tinignan ko sya. Alam na din niya ang iniisip ko.

Kinapa ni Hiro yung phone niya.

“Kanina ka pa niyan hinihintay sa room natin,” si Ridge naman. Tinignan ko si Hiro, dapat malaman niya din ang gusto kong sabihin.

“So, your marriage is doing well?” tumingin si Mandy sa kanya.

Oh great! Hindi niya matignan si Mandy.

"I gotta go, may gagawin pa pala akong report," pagsisinungaling ko. Alam kong bisto ako pero I have to exit. Binilisan ko ang paglakad ko para maabutan ko siya.

Nakita ko si Samara na umaakyat sa Arts Building. Akala ko pupunta siya sa room namin pero umakyat pa siya haggang third floor. Pupunta ba siya ng rooftop? Oh no, she can't do that!

As fast as I can, sinubukan ko siyang habulin at umakyat sa hagdan. Pagdating ko sa taas, nakaupo lang siya sa bench sa garden.

"Samara," hingal kong sabi. Nagulat siya paglingon sa akin.

"Why are you here?"

"Bakit ako nandito? Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko ng ganun?" Umupo ako sa tabi niya.

"I need some refreshment. Nakakastress din kasi ang araw na ito. Sinundan mo ba ako?"

Huminga ako ng malalim. "Actually, yes. Akala ko tatalon---"

Malakas siyang tumawa. "You thought that I was gonna jump?"

"Yes," nahihiya kong sagot. "Sorry for being judgemental."

"Bakit naman sana Kira? You're weird."

"Dahil kay Mandy or else Hiro." Nag-alangan pa ako sa sagot ko, sana wag siyang magalit.

Ngumiti siya pero alam kong pilit lang yun. "It's not. Isa pa, nakakastress ang araw na ito mula kanina."

"Tell me para kahit papaano mabawasan yan."

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon