Samara’s POV
Nakakalungkot, ako yung unang nahanap ni Ridge. Hindi ko naman kasi alam kung saan magtatago. Although, masayang sumama kay Ridge na hanapin yung iba pang natitirang nagtatago.
“Sino pa bang wala?” binilang niya kaming mga nahanapan na. “Ah, si Kira wala pa. Si Hiro. Sino pa?”
“Si Linzy,”masaya kong sagot. Determined talagang manalo si Linzy.
“Markus, ihanda mo na sarili mo,” si Mandy. Ehem. Ehem. Ehem.
Meron pa pala si Hiro. Si Mandy ba ang gusto niyang maging prize? Ansakit nun ah. He suggested this game to win…for Mandy.
“Ready naman ako eh,” tawa ni Markus. Napatingin tuloy kaming lahat sa kanya lalo na si wabby. “Peace lang dude. Laro lang ito.”
Maya-maya ay naglabas ng phone si Ridge. Tapos biglang may tumunog.
“May silbi din pala ang number niya dito,” lumapit siya sa may kakahuyan. “Got you.”
May kumaluskos.
“Ano ka ba naman Linzy, nahanapan na nga kita,” pumasok pa sa may kakahuyan si Ridge at inilabas si Linzy. “Okay, two more.”
“Ang daya mo. Dapat walang ganun,”pagrereklamo niya. Lumapit siya sa amin. “That should not be counted.”
“Okay lang yan Linzy. Here.” Hinawakan siya ni Markus and he planted a kiss on her forehead.
“Itigil niyo nga yan,” hinili si Linzy pagtapos. “Ikaw Linzy, isusumbong na kita.”
“Mukhang alam ko na kung saan nagtatago si Hiro,” lumusong si Ridge sa dagat. Ginawa niyang ilaw yung phone niya. Medyo matagal-tagal din siya sa tubig until--- “Got you Hiro!”
Umangat si Hiro. Kahit medyo madilim, I saw that he is wearing goggles. Lumapit yung dalawa sa amin.
“Ang angas mo talagang makatago Hiro,” si Markus.
“Sayang nga eh,” tawa lang nito.
“Hindi ka ba nilalalamig Hiro?” lumapit si Mandy sa kanya saka hinawakan yung palad niya.
“Hindi naman masyado.”
“You’re so cold. Teka, kukuhanan kita ng kahit pamunas lang.” Umalis si Mandy, pumasok sa bahay.
Nagkatinginan kami ni Hiro pero agad siyang umiwas.
“Si Kira na lang ang wala,” si Linzy. “Ang galing naman niyang magtago.”
“San nga ba pwedeng magtago yun?”
“Hindi ba dapat siya na ang panalo?” tanong ko. “Kasi siya na ang last man hiding ee.”
“Sisimulan ko na ang timer.” May pinindot-pindot si Markus sa phone niya. “May oras ka pa Ridge.”
“Tulungan na kaya kita Ridge?” si Hiro.
“Ha? Bro, I can do it myself.” Naglakad-lakad ulit si Ridge sakto namang bumalik si Mandy.
“Here Hiro,” inilagay niya sa likod ni Hiro yung towel.
“Salamat,” ang bruho may pagngiti pang nalalaman.
Kwentuhan. Kami na lang ni Wabby ang nag-usap kasi yung isa busy sa pakikipagkwentuhan kay Mandy. Yung dalawa namang love birds, nagkaroon ng sariling mundo. Sinabi ko na lang kay Wabby na hayaan muna yung kapatid. Hindi naman kasi bad si Markus.
Pagbalik ni Ridge. Hindi niya pa din nahahanapan si Kira. Wah, ang galing naman niyang magtago.
“Ilang minutes pa Markus?” tanong niya.
“Less than two minutes.”
Umupo si Ridge sa mga buhangin. “Suko na ako Kira, lumabas ka na.” Malapit sa inuupuan niya, may gumalaw sa mga buhangin. “WAAHHHH!”
“Peace bro!” tumayo si Kira mula sa mga buhangin tapos naglinis ng sarili. Nakasuot siya ng gas mask. Weird. Si Hiro, naka-goggles lang tapos mas malala pa pala ito.
Inalis niya yung gas mask niya saka humiga.
“Panalo talaga ang trip mo Kira,” tawa na lang si Ridge. “Ikaw panalo.”
“Alam ko, kanina ko pa kayo naririnig eh.” Tumayo siya, si Ridge din tapos lumapit sila sa amin.
“Madaya ka pa din kahit kailan,” si Markus. “Ano bang gusto mong premyo at nandaya ka ng ganyan?”
“It’s not a prize. Gusto ko lang makasama ngayong gabi si Samara.”
Ha? Napatingin lahat kami sa kanya.
“Gusto ko lang siyang maka-usap, pwede ba Hiro?” Nagtinginan silang dalawa then Hiro nod.
“Okay, bonfire na!” palakpak ni Linzy. “Mag-ihaw tayo ng marshmallow.”
“Good idea,” si Mandy. “Ako na lang ang kukuha.”
“Sasamahan na kita,” si Hiro sabay tingin sa akin. Ano bang problema niya? Galit na naman siya. Psh!
“Magpalit ka na rin Hiro ah, baka magkasakit ka,” narinig ko pang sabi ni Mandy bago sila umalis.
Ang sweet niya tapos caring pa siya. Maganda at talented. Nagustuhan din siya ni Kira. Eh di si Mandy na ang kasama ni Hiro ngayon.
Halla. Bakit ako insecure sa kanya?
“Okay ka lang ba Samara?” si Kira.
Tumango ako. Pagtingin ko sa paligid, kami na lang pala ang nandun. “Asan sila?”
“Kumuha ng kahoy. Kaya na nila yun, hintayin na lang natin sila.” Umupo ako sa may buhangin. “Malamig dyan.”
“Eh bakit ka humiga kanina?”
“I’m just happy.” Umupo siya sa tabi ko tapos niyakap ako. “Para hindi ka masyadong lamigin.”
Napatingin lang ako sa kanya. Ang weird ngayon ng guardian angel ko. “Ha? You’re happy?”
Tumango siya. “Hindi ka ba masaya?”
“Masaya din.”
“Ito na siguro ang pinakamasayang birthday celebration ko, yung kasama kayo… yung kasama ka.”
Awwwww. Ang drama naman. Pumikit si Kira tapos nag-smile. Nababaliw na ba siya? Pagdilat niya, naka-smile pa din siya.
“You’re crazy. You’re smiling without a reason.”
“I have a reason. Sabi ko, pagdilat ko at nandito ka pa rin, hindi ako nanaginip. It’s real, I’m hugging you.”
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanfictionHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!