Chapter 7: HER SERAPH

78 0 0
                                    

< Hi ulit readers! Please subaybayan ang story ko. So ito, kelangan naman sa love story laging may third party so here he is. Kung may Mandy si Hiro syempre meron din lalaki si Samara.haha. I'm bringing you KIRA! >

Samara’s POV

The wedding date is set. Next week, I’ll be married to that Devil Guy. Ikinalat na nila sa buong mundo. Tapos wedding of the year daw. Problema nila?!

Wahhhh!!! Someone save me!

Nung tinawagan ko si Wabby, siya pa yung umiyak. Diba dapat ako? Ipinapain ko ang sarili ko sa isang demonyo. Nakakainis! Bakit ba kasi ginusto din ni Devil Guy ang kasalang yun? Hmp! Parehas siguro sila ng iniisip ng nanay niya.

Haler! Wala pa akong mana noh? Kahit kasal kami, wala akong maibibigay na properties. Si lolo pa, yung tatay ko nga hindi binigyan eh. Ako pa kaya?

Excited pa ang lahat na isakripisyo ako sa demonyong yun. Lalo na yung nanay niya, sayang-saya na matutuloy din yung kasal namin. Nakakainis! Isa pa itong demonyong yun, walang pakialam. Yung traje de boda nga, gusto kong sirain kaya lang sayang naman.

I have no idea how to ruin my wedding!

Kinatok ako ng personal maid ko. Magdidinner daw sa bahay nila Devil Guy kaya lang hindi makakasama si Lolo dahil bumalik ng Spain pero babalik din daw ulit dito.

Wahhhh!!! Ayan na, wala akong laban. I have no choice but to let him eat and rip my flesh habang yung Witch niyang nanay tumatawa. I just can’t imagine myself in that situation.

I need a stake. Tatapusin ko na ngayong gabi ito.

Nagpadaan ako sa super market para bumili ng pepper spray.

After nung gate na may nakasulat na malalaking VK, ang haba pa ng garden na dadaanan. Wahhhh!!! Akala ko malaki na yung malaking fountain sa harap ng mansion nila pero nanliit pa yun sa laki ng bahay nila.

Pero talo yun sa bahay ni Lolo. Haha. Yabang ko lang eh.

Pero ang ganda ng bahay nila, Ang modernized. Sa bahay kasi ni Lolo, ang antique. Well, minana pa niya yun sa lahi niya. At hindi ko alam kung ipapamana niya sa akin. Pero hindi na ako umaasa.

Tsk. Andaming security guards sa bahay nila. Kahit siguro yung lamok hindi makakapasok ng hindi nila nalalaman. Pagpasok ko, binantayan ako ng mga lima sigurong guards. Hindi naman ako magnanakaw ah.

Nakita ko na si Devil Guy. May kasamang tatlo. Nasaan yung nanay niya?

“Oh nandito na pala ang bride mo.” Lumapit sa akin yung isa. Medyo kulot ang buhok niya tapos may dimples. “Randall Gregor Prietto, ang tagapagmana ng Prietto Industries. Just call me Ridge. Magiging close naman siguro tayo diba?”

Inabot ko yung kamay niya. “Nice to meet you. I’m Samara.”

Lumapit pa yung isa. Medyo brownish yung buhok tapos ang cute ng ngiti. Hehe. “Ganyan talaga yan, wag mong pansinin. Normal na ang mga ganyang kilos sa mga babaero. By the way, Mark Austin Fontana.”

Napaisip ako. “Ikaw yung nag-iisang anak ng may-ari ng Fontana Airlines at yung Fontana Corporation?”

Tumango ito. “Markus na lang ang itawag mo sa akin.”

May napansin pa akong isa. Yung gwapo. Hehe. Yun yung napapansin ko sa hotel. Look at his sparkling eyes. Wahhhh!!! Ang gwapo niya. Yung ngiti niya, nakakalaglag ng panga. Yung ngipin niya, pantay-patay tapos ang puputi. Taob lahat ng toothpaste sa gamit niya.

Ewan pero may something na mas gwapo si Hiro. Pero demonyo yun eh, ito ang maamo.hehe

Hinintay kong lumapit siya pero hindi eh. Kaasar!

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon