< Continue reading please? >
Hiro's POV
Hindi ko alam pero bigla ko na lang naisipang mag-camping sa beach habang yakap-yakap ko
kanina si Samara. Ang bango pala ng buhok niya, akala ko kasi gugo ang ginagamit niya eh.
haha
Nakakainis naman kasi, ang plano ko lang dapat ipapakilala ko si Samara kay Ate Keiko tapos
magba-bonding kami pero dumating yung tatlo. Okay lang sana kung sina Markus at Ridge lang
pero meron ang pinsan ko.
Oo na, mahal na ni Kira si Samara. Hindi ako naniniwala dun although pinapahalata na niya
ngang ganun. Dati si MAndy ngayon naman si Samara, ano ba ang gusto niyang palabasin? Hmmm,
siguro kaya kinukuha niya si Samara ay dahil hindi niya makuha sa akin si MAndy. He loved
Mandy at hindi ko alam kung hanggang ngayon. Ito namang si Samara, gustong-gusto si KIra,
at talagang pinapamukha talaga sa akin. Kaasar!
Hindi ako nagseselos!
No way! Bakit sana ako magseselos? Ayaw ko lang namang magkamabutihan si Samara at Kira.
Ano na lang ang sasabihin ng publiko, na yung asawa ko sumama sa ibang lalaki at sa pinsan
ko pa. Iisipin ng lahat na ang pangit kong lalaki. Tsss!
Kapag naaalala ko nga ang kissing scene nila, nakakataas ng balahibo. Nakakatakot! Pero
syempre mas nakakatakot kung kami ni Samara ang---nevermind. Nightmare na yun!
*pak !
"Hoy Hiro!"
Back to reality. Tinignan ko si Samara ng masama. Masakit yun ah. "Problema mo?"
"Kanina ka pa nakatunganga dyan. MAtutulog ba tayo dito?" Pumasok siya sa tent. "Hindi ba
high tide ngayon? Sure ka bang matibay itong tent mo?"
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Pumasok na din ako sa tent, parang sumikip. Dati naman
kasi kapag nagka-camping kami nila Markus mag-isa ko lang sa tent. "Ang lapad mo, baka
hindi tayo magkasya."
"Ganun na ba ako kataba?" Hinawakan niya yung pisngi niya. Uto-uto! Ang payat-payat na nga
lang niya eh, para na siyang kawayan. "Nakakalimutan ko na kasing magtimbang eh."
"Naniwala ka naman. Wag kang matulog, bantayan mo kung tataas yung dagat."
"Ano?" worried na tanong niya.
"BAkit ba ang dali mong maniwala?"
"Nakakainis ka naman eh. First time ko pa man ding mararanasan ang camping tapos niloloko
mo ako."
"First time? Pambihira, ang tanda mo na tapos ngayon ka lang magcacamping?"
"Sorry naman daw po, pagagalitan ako ni Lolo."
"Ang dami mong alam," humiga na ako. Buti na lang pala at pinatiisan kong buhatin yung
comforter kaya hindi mararamdaman yung lamig. "Isara mo yung tent."
"Ang bossy mo talaga."
Bahagya siyang gumapang tapos itinaas yung ziper ng tent. Tsk, mas dumilim kasi wala na
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanficHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!