Chapter 29: PEACE BE WITH HIM

80 0 0
                                    

< Hi readers! Mua! >

Samara's POV

Nakakamiss yung beach nila Ate Keiko. Halos dalawang linggo na din mula nung pumunta kami dun. Ilang beses kong kinukulit si Hiro na pumunta kami ulit dun pero ayaw niya. Ang boring daw ng lugar na yun. Gr! Bumalik na naman yung masungit na Hiro.

"Sam!" pinitik ni Wabby ang noo ko.

Oo nga pala, kahapon lang dumating si Wabby. As usual, binibisita niya ako pero sabi niya magtatransfer na daw siya dito sa Showa. Sana nga as soon as possible, maayos na niya ang mga kailangan documents para dito na rin sya.

"Ano na nga ulit yung sinasabi mo?" tinignan ko siya.

"Tinatanong ko kung magiging magkaklase tayo kung nagkataon."

"Ewan eh," tamad kong sagot.

"Ayaw mo bang dito ako mag-aral ha?"

"Hindi ah," mabilis kong tanggi. "Gustong-gusto kong dito ka mag-aral para naman may kakampi ako."

"Sabi ni Mommy, baka daw sumunod din si Linzy dito."

"Uh-oh, may alaga ka pala."

Si Linzy yung nag-iisang kapatid ni Wabby. Describe her? Yep, maganda siya. Hindi siya ganoon kapayat, slim pwede pa. Mas maliit siya sa akin, given na mas bata siya sa amin ni Wabby ng two years. Oo na, mas maganda siya sa akin sa panlabas na anyo pero mas mabait ako sa kanya, promise!

Mabait siya sa akin. Pero karamihan sa mga schoolmates niya ay natatarayan sa kanya. As they describe her, spoiled brat. Nung nasa States pa kami, hindi man lang mapagkamalang magkapatid sila ni Wabby. Magkaibang-magkaiba sila dalawa. At first, mahirap talaga siyang pakisamahan pero kapag makikilala naman na siya, makulit na saka masasanay na rin.

Pero kahit anong positive ang sabihin ko, ayaw ko talaga siya dito.

Maya-maya ay may tumawag kay Wabby. Lumayo siya sa akin ng kaunti. Matagal-tagal din silang nag-usap tapos mangiyak-ngiyak siyang bumalik sa akin.

"Sino yun?" taka kong tanong.

"Si Daddy, pinapagalitan ako. Bakit nasa Arts Department daw ako."

"Inexplain mo sana."

"Management Department daw o uuwi ako sa States."

Napabuntong-hininga ako. Ang hirap namang pilitin ang parents ni Wabby. Ngayon namang okay na na dito mna siya mag-aaral hanggang sa makagraduate kami, ang gusto naman sa Management Department naman siya.

"Sayang naman, wala ng chance para maging magkaklase tayo."

"And worst is...Linzy is on her way here."

"Ano?" gulat kong nasambit.

"Samahan mo akong tumingin ng hotel."

"Why not a house? Mas mura."

"I'm sure she will say no."

Wala akong nagawa kundi ang samahan siya at mag-absent sa huling klase ko. Boring din naman yung subject. Sana hindi mapansin ni Kira although mapapansin niya na nawawala yung katabi niya.

Pagdating ko sa bahay namin, sinalubong ako ni Hiro. Madilim yung mukha niya, nagsusungit na naman.

"Asan ka galing? Hinintay kita kanina sa parking lot."

"Sinamahan ko lang tumingin ng condominium si Wabby."

"Magsorry ka sa akin."

"Bakit? Wala naman akong kasalanan sayo ah."

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon