Chapter 3: HIS MISTAKE

113 1 2
                                    

Hiro’s POV

Tinignan ko ulit ‘yung room number. 817. Ang labo kasing kausap nila Kira eh, lasing na naman kasi. Hindi ko na sana papansinin nung tumawag sila eh kaya lang nabanggit nilang bumalik sa sa Pilipinas si Mandy.

Ayun. Sinamantala ko na ang kalasingan nila. Hindi ko nga maintindihan yung mga pinagsasabi nila eh. Kainis lang. Pati yung room number pero sa pagkakaintindi ko, 817.

Kumatok ako. Walang sumagot.

Katok ulit. Wala pa rin.

Naubos agad pasensya ko. Sinubukan ko ‘yung door knob.

Hindi naka-lock? Ineexpect niya na kaya ako?

Pumasok agad ako. Ang dilim nga eh. Ano bang nakain ni Mandy? Takot kaya ‘yun sa dilim. Sinubukan kong buksan yung bedroom.

Naka-lock na. Sayang! Haha

Pero nakailaw naman sa loob. Baka nga naliligo o may pinuntahan lang saglit.

Hinintay ko siya.

Hmp! Antagal grabe. Nagawa ko na lahat. Umupo. Tumayo. Umupo ulit. Tumayo ulit.

Buti na lang maganda ang lightings sa garden ng building. Tanaw na tanaw dun sa malaking bintana. Tapos naramdaman kong bumukas yung pintuan. Ayan na, yung script na itinuro sa akin nila Kira.

“Umuwi ka na pala, hindi mo man lang sinasabi,” yun yung una kong nasabi. Medyo awkward kasi ang nangyayari ngayon sa amin, wala akong maisip na sabihin.  “You know Mandy, hindi naman kita pinapapili. Gusto ka na ni Mama for me, wala na tayong problema. Tell me the reason, bakit ayaw mo na?”

Isip ulit.

Paano ko ba mababago isip ni Mandy?

“Ipinaglaban natin ito Mandy especially you. Three years Mandy, wag mo namang sayangin yun.” Oo alam ko, sobrang drama na nun. Si Mandy ito eh, hindi ko siya pakakawalan pa. Andami na naming pinagdaanan. Nararamdaman ko, may rason siyang iba.

Isip ulit ng drama.

“Alam ko namang you want to be a pianist. Sinusuportahan kita dyan even my family. I know it’s hard na maghihiwalay na tayo sa college but Mandy---“

Ayan na. Ito na yung scene na itinuro ni Kira sa akin. Potek! Pinerfect ko ito bago ako pumunta sa hotel. Magmukha na akong tanga basta bumalik lang sa akin si Mandy. Mahal ko sya eh. Ipinaglaban namin ang pagmamahalan namin kay Mama. Nakita ko lahat ng paghihirap niya maipakita lang sa nanay ko na totoo ang nararamdaman niya.

Tumingin ako sa kanya.

And I saw a girl holding a lampshade in a bathrobe.

“Who are you?!” yun lang nasabi ko. Kainis! Ang drama ko na eh tapos hindi si Mandy makakarinig nun? Natapakan pride ko dun. Buti na lang hindi ko pa pinatulo yung luha ko.

Pinukpok ba naman ako ng lampshade. Ansakit nun a!

 “You!” sigaw ko ulit. Napansin kong tatakbo siya kaya hinawakan ko yung kamay niya. Ang sakit ng pinukpok niya. I can feel it, it’s bleeding. Hindi ko talaga ito mapapatawad.

Strike one. Hindi pala siya si Mandy. Bakit hindi siya nag-react sa una pa lang.

Strike two. Her lampshade attack.

 “Bitawan mo ako!”

Parang wala lang akong narinig. Buti nga sa’yo. Tapos bigla ba namang kinagat ‘yung kamay ko? Immature!!! Nakakainis, that is strike three! Paano na lang kung may rabis siya? That girl is dangerous.

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon