< WANTED: Kupido >
Mandy's POV
Kasalanan ko. Umalis na lang ako bigla nang hindi ko man lang sinsabi kay Hiro. Sa una
inisip ko na wala naman talaga siyang karapatan sa mga desisiyon ko. Kilala ko siya, hindi
niya ako papayagang umalis kahit pa sabihin kong babalik din ako.
Siguro nga sa three years namin, hindi ko nakita yung pag-iintindi niya. Lagi na lang kasi
kaming nag-aaway pero sweet siya. Na-prove ko na yun. Kahit naman ganun si Hiro, may kind
side pa rin siya.
I let my guards down kaya siguro wala sa tabi ko ngayon si Hiro. Kasal na siya, ano pa nga
bang magagawa ko. Pero ako naman ang mahal niya ah. Sa pagtawag-tawag pa nga lang niya sa
akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya pumayag na ikasal kung aksidente lang pala
ang lahat.
"Mandy."
Lumingon ako sa likod ko. Nginitian ko si Hiro tapos umusog ako ng kaunti sa bench kung
saan dati kami nagkikita.
"Hindi ka na pala dito tumatambay." Sabi ko sa kanya nang makaupo siya.
Tumango siya. "Madami na ang dumadaan dito."
"Ganun ba? Kanina pa kita hinihintay dito."
"Sabi nga ni Samara."
"Halos tatlong buwan lang naman ako nawala diba?" Tinignan ko siya pero halatang iniiwasan
niya ako. "Wala namang nagbago diba Hiro?"
"Wala."
"Mahal pa rin kita Hiro." Hinawakan ko ang kamay niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa
akin. "Just let me explain things."
"Naiintindihan kita." Tumingin siya sa akin. Yinakap niya ako ng mahigpit.
"Wag mo akong iwan Hiro."
"Kailan pa ba kita iniwan Mandy? Hanggang ngayon hinihintay pa rin kita kahit nawala na
lahat ng pag-asa kong babalik ka. Alam mo ba minsan, ipinagdasal kong hindi ka makuha sa
Kansas dahil hindi ko kayang mawala ka sa akin."
Tumulo na ang luha ko. Bakit ba ang tanga ko? Kung hindi ba ako tumuloy sa Kansas, hindi
kasal si Hiro at kasama ko pa rin siya? Kung hindi ko ba ipinagpilitan ang gusto ko, ganito
pa rin kami ni Hiro? Ang dami kong sinayang.
"Sana pinili na lang kita Hiro."
"Alam kong mahalaga sa'yo yun, maiintindihan ko."
"Hihintayin kita Hiro." Lumayo ako sa kanya ng kaunti. Pilit lang siyang ngumiti. "Hindi
ako mapapagod na hintayin ka."
Mariin kong pinisil yung palad niya tapos ngumiti siya, yung ngiting alam kong natural lang
lumabas.
"Hindi ka naman galit sa akin diba?"
"Ngayon hindi na."
"Nakahinga ako ng maluwag na malaman yan. Akala ko kasi hindi mo na ako mahal."
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanfictionHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!