Chapter 10: NIGHT ONE

99 1 0
                                    

<Hello readers!!! After the wedding bells, may kasunod pa. Please please please, subaybayan ang kwento ko. Leave your comments din. Salamat:) >

Samara’s POV

Wala akong maalala. Pinunas ko ang mga mata ko.

Nasaan ako?

Tumingin ako sa paligid.

Si Devil Guy!

Oo nga pala, ikinakasal kami. Tapos hahalikan niya na ako.

“Anong nangyari?” Tanong ko. Lumapit siya sa akin tapos may inabot na nakafolder.

“Buti na lang nahimatay ka. Pirmahan mo na yan. Kukunin na yan ngayong gabi.”

Pinirmahan ko. Tapos inabot sa kanya. Tapos may tinawagan siya, may pumasok na nakaunipormeng babae at dun niya inabot yung folder.

“Nasaan na si Lolo?”

“Kanina pa siya umalis. Alam mo bang 12 hours kang tulog? Akala ko namatay ka na sa nerbyos. Sayang.”

Sinimangutan ko siya.

“Well I’m not saying I’m happy. Alam mo bang ako napagod nagyong araw samatalang ikaw ang sarap ng tulog mo. Pinagpyestahan ako ng media pati ng mga bisita. Nakakainis!”

“Sorry.” Wala naman na akong maisip na sabihin. Aminado naman akong kasalanan ko. “Asan nga ba tayo?”

“Nasa hotel kung saan ang reception. Pero wala ka ng bisitang haharapin.”

May naalala ako. Wahhh!!! “Nung nahimatay ba ako, nakita yung kodigo ko sa palad?”

Ngumisi siya. “Ayaw ko namang makita ng buong mundo na bobo ang napangasawa ko kaya ako ang bumuhat sayo. Wag kang mag-alala, isinuot ko ulit yung gwantes mo.”

“Salamat.” May mabuti din pala siyang nagagawa. Bumangon ako. “May pagbibihisan ba ako?”

Tumingin siya sa akin, napansin niya din sigurong nakawedding gown pa rin ako.

Tumalikod siya. May tinatawagan yata eh.

Bumukas yung pintuan.

“Sam!”

“Wabby!”

Niyakap ko ang kaisa-isang kaibigan ko. Hindi ko siya nakita sa kasal ko. Dapat magtatampo pala ako dito eh.

“Akala ko kung napano ka na.” May halong pagsinghot yun ah. Ang drama talaga niya, parang babae.

“Kinabahan lang---“

“Bakit andito ka?!” Yung galit na mukha ni Devil Guy . Katakot.

“Best friend ko si Wabby.”

Tumango si Wabby bilang pagsang-ayon. “Saka nagpaalam ako sa Lolo niyang babantayan ko siya.”

“Buti naman pinayagan ka ni Lolo.”

“He also cares for you. Busy kasi yun eh kaya bumalik agad ng Spain.”

“Kunsabagay. Nagpapasalamat na nga ako kasi siya yung kasama ko kanina eh.”

“Oo nga eh. Sasabay sana ako sa kanya papunta pero nahuli ang flight ko.”

“Pumunta ka ba sa wedding?”

“Oo naman. Pero patapos na nung dumating ako, sayang hindi ko napigilan.”

“Hoy, hoy!” Sumingit na naman namin sa conversation namin si Devil Guy. “Andito akong kasama niyo.”

“Alam namin.” Si Wabby yun tapos lumingon ulit sa akin. “Paano na ang pag-aaral mo? Babalik ka ba sa States?”

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon