< Ending na po ang Chapter 50 so plsssssssss read! >
Samara's POV
Nag-ring na yung bell ng last class ko. Uwian na pero hindi pa rin ako tumatayo sa upuan ko. "Hindi ko kasi alam kung kanino ako sasabay puauwi."
"Ihahatid na kita." Si Kira. Nabasa niya kaya ang iniisip ko?
"May bibilhin pa kasi ako eh," pagdadahilan ko.
"Daanan na natin."
"Nakakahiya naman sayo Kira, pabigat ako sayo."
"Hindi ah, actually I'm enjoying right by your side." Kinuha niya yung bag ko.
"Yung bag ko."
"Ako na ang magbubuhat. Guardian angel mo nga ako diba?"
"Kaya nga but you're not my body guard Kira."
"Let me kahit ngayon lang para kahit paano walang nagpapabigat sayo."
Pinayagan ko na siya. Ang kulit eh. Minsan tlaga lumalabas ang makulit na side niya. Dahil dun, napapangiti niya ako. :)))
Malapit na kami sa sasakyan ni Kira sa parking lot nung mapansin namin na nandun din si Hiro. nakasandal siya sa sasakyan niya tapos nakatingin sa amin.
"Ang tagal namang matapos ng klase niyo," dumiretso siya ng tayo pagkalapit namin.
"Hindi ka yat atat umuwi ngayon," binuksan ni Kira yung kotse niya. Hindi ko alam kung papasok ba ako.
"Hinihintay ko pa ang asawa ko." Tumingin siya sa akin.
"Kira, yung bag ko nga pala." Napatingin si Hiro sa bag ko na hawak-hawak ni Kira. "Salamat sa pagbubuhat, talagang masakit lang ang likod ko eh. Pasensya na sa abala ha."
Agad namang ibinigay ni Kira yung bag ko. "Wag mong masyadong damihan ng libro kung hindi mo din lang ginagamit dito."
"Oo," nagbow ako sa kanya bago ako humarap kay Hiro. "Tara na Hiro."
Nakapasok na ako at lahat pero yung dalawa nagtititigan pa rin sa isa't-isa. Ano kayang problema nila? Hindi kaya tungkol ito kay MAndy?
Hindi nagsalita sa Hiro hanggang sa makarating kami sa bahay. Problema niya? Okay na nga ako ee sa kasalanan niya for this day.
"Samara." Tawag niya sa akin nung paakyat na ako sa hagdan.
"Bakit?"
"Next time, here me first bago ka magwalk-out."
Tumango ako sa kanya.
"Samara," tawag niya ulit sa akin. Tinignan ko siya. "I'm sorry."
Nginitian ko siya, kaya niya din naman palang ibaba ang pride niya eh. At dahil dun, na-inspire akong gumawa ng assignments ko. Nahihiya na din ako kay Kira na ipapahiram yung notes niya kapag umiiling ako sa tuwing tinatanong niya kung natapos ko na yung assignments namin.
Magiging good student na talaga ako.
Maya-maya, may kumatok sa pintuan ko. Si Hiro!
"May kailangan ka?"
"Kakain na."
Tinignan ko yung oras, past seven na. Sabay kaming bumaba, tapos nakangiti si Nana sa amin.
"Ang sasarap naman niluto mo Nana," nilanghap ko yung usok nung nasa tapat kong ulam. "Medyo fiesta yata ang lamesa ngayon ah."
"Tinulungan akong magluto ni Hiro," umupo na rin si Nana.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
FanfictionHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!