< Hello readers! So tignan niyo naman, ayaw nilang magpakasal. Why not get married and have an agreement diba? hehe >
Hiro’s POV
Hindi ko napansin, nawala si Samara. Asan kaya nagpunta yun? Buti naman kung umuwi na, wala din lang naman si Witch. Kainis kasi, sabi mag-uusap daw sila ng babaeng yun pero may meeting din naman pala.
“Kuha lang ako ng ice sa kusina.” Nagpaalam si Kira.
Hinayaan ko lang. Feel free naman sila dito sa bahay. Mula bata kami, dito na ang playground namin. Pero nung bata pa kami, siya yung bigla na lang hindi mahanapan. Hahaha. Ang likot talaga nun, takbo ng takbo tapos bigla na lang mawala. Nahanapan na lang siya sa Library.haha
Ang sakit ng tiyan ko nun sa katatawa.
“Pre, asan na yung asawa mo?”
Kainis talaga si Ridge. Lagi na lang nangunguna sa pang-aasar.
“Gago, di ko asawa yun.”
“Ang bobo mo naman kasi Ridge eh, fiancee ang tawag niya dapat dun.”
“Next week naman asawa na niya.”
“Eh sa fiancee pa nga ang tawag niya ngayon eh. Next week pa naman yun.”
Hayyy. Yun lang na bagay putak na sila ng putak. Hindi ko talaga alam kung ayos ang magkaroon ng maingay na barkada.
Natahimik sila.
Tinignan ko sila. Nakatunganga.
Lumingon ako.
Ha? Si Kira buhat-buhat yung bobong babae.
“Nahulog siya dun sa hagdan.” Ibinaba niya si Samara sa sofa. “Nagpadala na ako sa maid ng yelo.”
“Wow Kira, ang heroic mo naman.” Ayan na naman si Ridge.
“Dapat kang sabitan ng medalya.”
“Buti na lang Kira andun ka. Lampa kasi yan eh.” Tinalikuran ko sila. Hindi ko alam kung bakit ako hindi natatawa sa nangyari. Ewan lang. Wala akong makapang rason.
“She was lost.”
Ayun. Dun na ako tumawa. Pati sina Markus at Ridge.
“Ang lakas ng loob mong umalis hindi mo naman alam kung saan ka pupunta.”
“I am bored here kaya naisip kong umalis muna.”
“Dapat muna siguro kaming umalis. Kailangang mag-heart to heart talk ng dalawa.”
Kainis naman talaga itong si Markus. Pinaalis ko na nga lang sila. Iingay lang ang paligid. Minsan talaga okay din palang kasama itong babaeng ito, hindi nagsasalita. Tahimik ang buhay.
“Aalis na din ba ako?”
“Dyan ka lang.” Umilaw yung bumbilya ng utak ko. “Hihintayin ko pa si Witch para iluto ka. I can’t wait to drink your blood.”
Ngumisi ako. Hahaha. Sigurado akong natakot yun.
Hindi ko alam kung magsasaya ako kasi sinasabihan niya ako ng demonyo. Parang batang nagpapaniwala sa mga ganun. Sa itsura ko ba namang habulin, sabihan ba namang demonyo. Kaasar! Pero buti na lang at paniwalang-paniwala siya.
Tinabihan ko siya.
“Anong gagawin mo?”
Lumapit pa ako sa kanya. “Kailangan ko ng dugo mo.”
“Stop it!”
Lumapit pa ako. Kung nakikita lang sana ako ng tatlong bugok na yun, mamamatay sila sa katatawa. Haha. Nung sinabi ko ngang demonyo ang turing sa akin ni Samara, sumakit ang tyan nila sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
Fiksi PenggemarHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!