Hiro's POV
"Hiroooooo!" bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Samara. "Hindi ka pa nage-empake?"
Pinatay niya yung TV. "Problema mo?"
"Tara na, male-late na tayo."
Tumayo ako tapos kinuha ko na yung bag ko sa kama. "Excited ka masyado, hindi naman ganun kaganda dun."
"Nakakainis ka naman. Naiimagine ko na nga lang na private island yun, feeling ko it's heaven."
"Heaven? Itulak na kita ngayon sa bangin, yung mapupuntahan yun ang heaven."
Sumimangot siya. "Devil! Hindi ka pa rin nagbabago."
Iniwan niya ako. Amp! Ano na naman ba ang sinabi ko? Devil daw, angel ako nuh. Ang bait-bait ko na nga lang sa kanya.
Dati-dati lang sinusungitan ko siya. Lagi ko na lang siyang napapaiyak at laging meron si Kira para patahanin siya. I always hurt her and Kira heals her wounds.
Am I that bad?
Sinusubukan ko naman ng magpakabait eh. Wala bang nakakapansin nun?
"Hiroooo!" narinig ko na naman yung boses ni Samara. "Tara na."
Nakakairita talaga itong babaeng ito. "Bababa na."
Pagkaopen ko ng kotse ko, siya pa ang unang naglagay ng mga gamit niya. Andami niyang gamit, tatalong bags yata yun plus isang maliit na maleta. Samatalang ako, isang bag lang na medyo malaki.
"Bakit ang dami mong bag?"
"Damit ko ang mga yan," umupo na siya. "Wag mong iiwan yung iba. Apat yang dala ko, nabilang ko yan."
Tsk, plano ko pa man din sanang iwanan yung isang bag niya.
Pagkaupo ko, may kinakain siya. "Gusto mo?"
She offered me a cookie. "Ayoko. Mag-out of town na lang kaya tayo."
"Ayoko nga, gusto ko ng private island."
"Sa private island na lang namin."
"Okay, mag-isa mo," ini-unlock niya yung pintuan. "Magpapasundo na lang ako kina Wabby dito."
Psh! Hindi naman kasi ako excited, mas gusto ko pang matulog na lang buong maghapon sa bahay. "I-lock mo yan. Tara na nga."
Ngumiti siya tapos sinubuan ako ng cookie. "Ayan, para masaya itong weekend natin."
Pagdating namin sa airport, kami na lang ang hinihintay. Actually, kami lang na apat plus si Samara at yung magkapatid. bakit walang bitbit na mga figurine este girlfriends ang mga ito?
"Nasaan ang mga girlfriends niyo?" biro ko sa kanila pagkalapit namin ni Samara. "Himala yatang wala kayong mga kasama ngayon."
"I have Linzy here," inakbayan ni Markus si Linzy. Tsk, kapag talaga pinaglaruan ni Markus yang bulilit na yan, masasapak ko. Kahit naman inis ako nun sa bulilit an ito eh okay na ngayon. Bata nga naman.
"Yang kapatid mo, ilayo-layo mo kay Markus," sabi ko na lang kay Wabby. Inakbayan ko si Samara. "Sino pa bang hinihintay natin?"
"Wait, padating na siya," tinignan ni Ridge yung relo niya.
"Si Jennica?"
Umiling siya. "Nope. Si Mandy."
Linzy’s POV
OMG! This will be a great vacation for me. Kasi naman, first time kong makasama ang mga new friends ko sa isang out of town. Kapag nga nagbirthday din ako, irerequest ko din ang ganito kila Daddy.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY MAYBE (on going)
Fiksi PenggemarHindi lahat ng aksidenteng kasalan ay nauuwi sa happily ever after. Hiro has Mandy. And Samara met Kira. HEY! THIS STORY NEEDS CUPID !!!