Chapter 13: THE NEWCOMER

75 1 0
                                    

< Hi Readers!!! Sana naman may gana pa kayong basahin ang story ko. Please leave a comment para alam ko kung boring ako. haha. Ayun, please help me improve my work. Thank you! >

Samara's POV

HIndi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. KUng magulo man dati, mas magulo ngayon. Dati naman kasi si Lolo lang ang pinoproblema ko eh.

Ngayon ang daming nadagdag.

Una, may asawa na ako. Sa kamalasmalasan ko, I married a devil man.

Pangalawa, wala ng pakialam sa akin si Lolo. huhu.

Pangatlo, si Wabby! Asan na siya?!

Pang-apat, I'm trapped in my husband's life.

Dapat sana lilipad na ako kahapon papuntang States. Nagulat na lang ako, andun pala si Hiro. Yep yep. Malapit na ako sa babaeng kumukuha ng plane ticket nung bigla kong narinig ang ganito.

"BAKA. BAKA. MAY BOMBA ANG EROPLANONG SASAKYAN MO."

Nung una, akala ko hindi ako. Pero naaala ko yung tawag sa akin ni Hiro. Hmp.

YEp. Yep. Gumawa si Hiro ng eksena sa airport. Nag-panic lahat ng tao. Nakakahiya!

Pinatawag si Hiro sa office kasama ako.

At the end of the day, andito pa rin ako sa Pilipinas sa bahay niya.

Bakit nga ba niya ako pinigilan? Hmp, gustong-gusto niya ngang umalis ako dito sa bahay niya eh. LAgi na lang niya akong kinakawawa. huhu.

Hiro's POV

AKo na ang tanga.

Pinigilan ko ang pag-alis ni Samara.

Bakit? Ewan.

Kasi naman tinakot ako ni Markus. Kung bakit ko pa kasi siya tinawagan eh. Sabihin ba naman niyang pinalagyan niya ng bomba yung eroplanong sasakyan ni Samara. Oo sinabi niya yun, para daw mawalan na ako agad ng asawa. Badtrip! Tapos tatakutin akong lagot ako sa lolo nung babaeng yun.

Ako naman itong uto-utong naniwala.

Syempre, pumunta agad ako sa airport. Nakipag-away sa guard, tinakot lahat ng tao at napunta sa opisina.

Nung kinausap ako, sinabi kong may nagsabi sa aking naglagay siya ng bomba ysa eroplanong papuntang Los Angeles. Nung tinanong sa akin kung sino, yung sagot ko....

Joke lang !

Nakakahiya diba?

Pero nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin kong si Markus yung nagsabi tutal naman airport nila yun. haha. Pero kaibigan ko yun eh, malilintikan yun sa tatay niya pag nagkataon.haha

Kaya ngayon, si Samara nasa kwarto niya. HIndi ko alam ang ginagawa. Nalaman na kasi ni Witch na andito kami sa bahay ko at wala sa Italy. Asa pa kasi siyang papatulan ko yung bobitang yun. Pinapapasok na kami sa Showa. Oo, dun sa school ko pero pati si Samara dun na din daw mag-aaral.

May mas gugulo pa ba sa buhay ko?

Samara's POV

HIndi ko alam kung excited ako pero siguro. I consider this as a good news!!! Yes! Yes! Yes!

Sa Showa Academy ako mag-aaral. Kasi nung nalaman ng mama ni Hiro na wala pala kami sa Italy, nagalit. Buti na lang. Haha. Pinapapasok na kami sa school bahala na daw si Witch, nagaya ko na tuloy si Hiro sa yawag sa nanay niya, na mag-ayos ng papers. Oh di bahala siya basta ako gusto ko na ulit mag-aral. I miss school days!!!

ACCIDENTALLY MAYBE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon