Kabanata 8Kinaumagahan, nag ala spy ako para iwasan si Sir Jellal. Naiinis at naiirita parin ako sa mukha ng kolokoy na 'yun. Pero sa hindi inaasahan matapos ang tagpong iyon kagabi ay wala syang ginawang kakaiba sa akin.
All I thought na gagapangin nya ako sa kama pag tulog na ako, o 'di kaya'y may pinaplano syang hindi kanais-nais kagabi. Kaya ang resulta.. Ako parin ang agrabyado sa aming dalawa. Ako ang puyat at walang tulog dahil feeling ko pag pinikit ko ang mga mata ko, may gagawin syang katarantaduhan sa akin. In short dilat na dilat ako buong magdamag.
I'm at the cafeteria habang naka Rayban. Ayaw kong may makakita sa ala Zombie kong eyebags. Nalimutan ko kasing magdala ng concealer.
Habang nagsisimula na akong kumain ng waffle berry cake ko ay narinig ko na kaagad ang maiingay na bunganga ng mga ka department ko.
"Geezz! Alam nyo 'yung nangyari sa yacht kahapon? " ani Mira. Pinagmamasdan ko lamang sila at pinilit ko ang sarili ko na magtago sa halaman na nasa tabi ko para hindi nila ako makita.
"Alin do'n" wika ni Gadjiel habang pasimpleng inaakbayan si Carla.
"Aished! 'yung ano ba~ 'yung sinabi ni Boss na Girlfriend nya daw si Miss! " dagdag ni Mira habang pabulong ngunit madiin ang pagkakasabi sa huli-an ng kanyang pangungusap.
"Hala! Oo nga no? Talaga 'tong si Miss. Tinatago lang pala na boypren nya si Boss. Hihihihi " pangisi-ngising saad ni Lucy.
"Oo nga eh.. Akala ko nga tatanda nang dalaga 'yun. " nang-aasar na wika ni Enzo.
Huh! ang sarap nga naman nilang ipaguuntog! Talagang may gana pa silang pag tsismesan ako! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya lumabas na ako.
"May pinag-uusapan kayo? " strikta kong sabi habang naka pameywang sa harapan nila.
Kitang-kita ko kaagad ang pamumutla nila lalo na ni Enzo pagkaita sa akin. Huh! Mukha palang nilang namumutla buko na!
"Whoah~ Miss! " parang natataeng wika ni Enzo.
"Yow~ Miss.. Aga ah.. He he " halatang kinakabahan na wika ni Mira.
"Parang blooming ka ngayon, Miss ah.. May crush ka na siguro dito no? " Ani Gadjiel na kaagad na siniko ni Carla.
"Where's the Sun, Miss? Pero bagay sa'yo 'yang Rayban mo ah... Ilan ang grado ng lenses nyan? " ani Lucy sabay pakita ng plastic na ngiti.
Ang sarap pektusan ng mga taong 'to! Halatang guilty sa mga pinagsasabi!
"Pano pa nagkaroon ng Grado ang lenses ng Rayban, Lucy? " ani ko habang bored na tinitigan sya. Alam kong hindi nito nakikita ang mata ko kasi naka Rayban ako.
BINABASA MO ANG
The Boss' Silent Worker (Completed)
RomanceGRAYFAURD CREST SERIES 1 Erza Scarlet Quevaz's most absolute rule is being a silent worker for years pero hindi talaga maiiwasan ang inis na nangingibabaw sa kaibuturan ng kaniyang buto-buto lalo na pag nagpapakita ng interes ang kaniyang walanghiya...