Kabanata 42"Miss Erza, ano po'ng gagawin dito sa sobrang railings? " pagtatanong sa akin ng isa sa mga workers na gumagawa ng gusali.
Inangat ang tingin ko sa kaniya at kaagad din na bumaba doon sa railings na hawak niya. Bahagya ko siyang nginitian at itinuro ang stock room para sabihin na doon niya dapat na ilagay ang sobrang railings.
It's been a week since I've encountered with my mother. At sa isang linggong lumipas, ay wala akong nakalap na impormasyon sa kaniya.
Tumango si manong at inilagay sa kaniyang balikat ang malaking bakal.
Bumuntong hininga ako at inipit ng maayos ang aking buhok sa ipit na itim. Sa linggong lumipas ay naging madali ang lahat sa amin na gawin ang bagong project. Gustong-gusto ko ng matapos ang project na ito. Dahil tiyak kong, maaring wala pang hakbang na ginagawa ang aking ina, pero may plano na ang nakatatak sa isipan niya. At iyon ang bagay na hindi ko hahayaan.
Malapit ng matapos ang exterior ng building. At kapag natapos na ito ng tuluyan ay masisimulan ko na ang tunay kong trabaho at mas mapapadali iyon.
Hindi naman sa minamadali ko ang trabaho, ang akin lamang ay ayaw kong magsayang ng oras. Kailangan ko itong matapos bago sumapit ang walong buwan. Hindi ako puwedeng magtagal dito.
"Miss Erza. Nakita niyo ba si Ambo? " tanong ng isa sa mga karpentero na tiyak kong hinahanap ang karpentero na nasa stock room.
Tumango ako at tinuro ang stock room. Yumuko ito at nagkamot sa batok habang nakangiti. Hindi rin naman ito nagtagal at pinuntahan na kung nasaan si Ambo.
"Miss Erza, meryenda muna tayo. " pag-aaya sa akin mi Mira.
Bago tumango ay tinitigan ko muna siya. Bakit parang ang tagal na rin simula noong nagka-usap kami ng babaeng ito?
"Sure, marami akong itatanong. " ako na siyang kunyaring pagkakabigla niya na talagang hinawakan pa ang kaniyang dibdib at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin. "Wow huh! Nakaka tense naman 'yang mga itatanong mo, Miss! " siya na inirapan ko lang.
"Sira. " bulong ko na siyang ikinanguso niya. "Okay lang basta ano. Hehe, kung mga moves sa kama, tanungin niyo si Lucy, kasi hindi ako masiyadong maalam doon, 'yung asawa ko lang kasi lagi ang rumeremejo sa 'kin. " siya na kung may iniinom pa ako ay baka naibuga ko na sa mukha niya.
What do I expect with Mirajane anyway? Blunt as always. "Bakit naman umabot ka sa ganiyan. " ako at naglakad na papuntang restaurant.
"Wala lang, baka kasi mag 'aano' kayo ni Boss Jellal o hindi kaya maisipan niyo mamaya. " siya na ikinamula ng mukha ko.
Masama ko siyang tinignan. "Manahimik ka nga, Mira. " ako at niyakap ang sarili kong mga braso dahil tumayo lahat ng balahibo ko roon.
"Suuss! 'Makapagsabi 'to, e hindi na naman virgin. Hehehe! " bungisngis nito na kaagad kong binatukan.
BINABASA MO ANG
The Boss' Silent Worker (Completed)
RomanceGRAYFAURD CREST SERIES 1 Erza Scarlet Quevaz's most absolute rule is being a silent worker for years pero hindi talaga maiiwasan ang inis na nangingibabaw sa kaibuturan ng kaniyang buto-buto lalo na pag nagpapakita ng interes ang kaniyang walanghiya...