Kabanata 25
Walang emosyon akong tinitigan ni Sir Jellal habang nakahiga parin sa kaniyang kama. Hindi ko alam pero, kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya ngayon. Kagabi naman ay okay lang kami, pero ngayon. Parang may kakaiba.
"Morning " pilit na pinasisigla ang boses kong bati sa kaniya.
Hindi kaagad siya sumagot. Bagkos ay tinitigan lamang ako ng mas matalim at mas matagal. Hindi ko maiwasan ang mapakunot-noo sa ikinikilos niya. Parang may kakaiba.
Anong nangyayari sa kaniya? Matapos niyang mabasa ang liham ni Lacxous G. Ito na kaagad ang apekto sa kaniya?
"Hey! " may kalakasan kong sambit. Pinagmasdan ko ang paraan ng pagkurap niya dahil sa malakas kong tinig. Nangunot noo siya at padabog na umalis sa kama.
Hindi ko maiwasang magtaka. Anong nangyayari sa kaniya? Bakit nagkakaganito siya? M-may m-masama ba akong nagawa?
"M-may p-problema ba? " kinakabahan kong tanong.
Nilingon niya lamang ako at bumuntong hininga. HINDI NIYA AKO SINAGOT!
"M-may problema ba? " 'kako ng hindi mapigilan ang panginginig sa sariling boses.
Dumeretso siya sa maliit na kahoy na pinaglagyan niya ng mga damit saka kumuha ng puting V-neck. Walang pasubali niya itong isinoot bago ibinaling ang atensiyon sa akin.
"Magbihis ka, may trabaho pa tayo. " ika niya at lumabas sa kubo at iniwan ako ng walang pag-aalinlangan.
Napatanga ako. Hindi ako makapaniwala. A-nong kasalanan ko? Bakit ang lamig niya sa akin?
Impit kong pinipigilan ang sariling umiyak pero hindi ko parin mapigil ang mga mahihina kong hikbi sa ginawa niya.
M-may masama ba akong ginawa? M-may bagay ba siyang hindi nagustuhan kagabi? Nagalit ba siya dahil nakaisa lang siya kagabi? Pero hindi naman iyon big deal para sa kaniya? Anong problema?
Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa aking pisnge at kahit hirap na tumayo dahil sa nanginginig na tuhod ay ginawa ko parin.
Kinuha ko ang mga damit na nagkalat sa sahig at nagbihis. Binilisan ko rin ang paglalakad baka nga late na ako lalo na't hawak ko na ang proyekto.
****
Dahil sa dami ng ginawa sa araw na ito ay pansamantala kong nalimutan si Sir Jellal. Nilibang ko ang sarili ko sa mga nakatambak na gawain at pakikipagbiruan kina Mira dahil sa tuwing napapadako ang mga mata ko sa pwesto niya kasama ang mga engineers ay kitang-kita ko ang pagkakaaliw niya. Sadya bang ako lamang itong namomoblema? Ano ba talaga ang nagawa ko?
Mga dapit hapon ay lahat kaming narito sa isla ay pinatawag ni Sir Alstreim pra sa isang anonsiyo. Walang pasubaling sumunod ang lahat ng empleyado at trabahador bilang pakitang galang kay Sir Alstreim.
"I would like to thank all of you, specially for those who leads the project. Thank you very much everyone for making this project this successful. Actually, I can't imagine that, in just Two and half month, we were able to ALMOST finish the whole building specially on supervising the whole resort. Thank you everyone. " lintaya ni Sir Alstreim.
"And aside from that. I would like to inform you that this project will left and be handled by Grayson Fuenterebela for I need to go back immediately in Los Angeles for a very important matter. Also, my brother Astrair can't also handle anymore because he is coming with me. " dagdag pa ni Sir.
BINABASA MO ANG
The Boss' Silent Worker (Completed)
RomanceGRAYFAURD CREST SERIES 1 Erza Scarlet Quevaz's most absolute rule is being a silent worker for years pero hindi talaga maiiwasan ang inis na nangingibabaw sa kaibuturan ng kaniyang buto-buto lalo na pag nagpapakita ng interes ang kaniyang walanghiya...
