Special Chapter for SILENCE

9K 125 26
                                    

Information: Silence ang tawag ko sa mga readers na mahal ako at ang nobelang ito. Kaya kung hindi ka po napapabilang, maraming salamat parin po at malaya itong isinulat para sa lahat ng magnanais na basahin ito.

Kabanata SPECIAL

Reporter's Point of View

Hindi ko mawari ang kabang nararamdaman ko habang hinihintay na matapos si direk at ang ibang staff sa loob ng set na maayos ang lahat.

Woohh! Huminga akong malalim at mahigpit na hinawakan ang puting folder na nakapaloob ang lahat ng tanong para sa sikat na mga taong kahaharapin ko ilang sandali na lamang.

“Byra! Tawag ka na ni direk! ” pagsisigaw ni Khyla na siyang isa sa mga magazine photographer na representante para sa gaganaping interview ngayon.

“Oo! ” sigaw ko pabalik at inayos ang kwelyo ng aking coat.

Taas noo akong naglakad sa mini-stage ng set na mayroong isang mahabang sofa at single sofa na batid ko ay para upuan ko. Sa may likuran noon ay mayroong artificial window na kunyaring nasa isang mataas kaming building dahil narin sa background niyon.

Sa may kaliwang gilid ng bintana, nakapaskil ang napakalaking litrato ng pabalat ng nobelang may pamagat na ' The Boss' Silent Worker '. Sobrang kinang ng pabalat habang may isang magandang babaeng tila pinatatahimik ang lahat dahil ang isa sa mga daliri nito ay nasa kaniyang labi habang hindi naman nakikita ang kabuoan ng kaniyang mukha. May mga rosas ding nakapalibot sa kaniyang mukha na mas nagpatingkad sa kagandahan ng pabalat.

Sa kanang banda naman, ay naroon ang litrato ng pamilyang iintrigahin. Napangiti ako dahil sa kagandahan ng pamilyang iyon. Idol na idol ko pa naman si Miss Erza Quevaz, at hindi ko akalain na ako mismo ang mag-iinterview sa kanilang lahat.

Tumikhim si direk kaya nagbalik ako sa aking huwisyo at nakangiting tumingin sa kamera. Nag-count down si direk gamit ang kaniyang mga darili hudyat na kailangan ko nang simulan ang palabas.

"....3.....2.....1.... Go! "

Ngumiti ako at tumingin sa kamera.

"Magandang umaga mga kapatid! Live na live tayo ngayon dito sa The Electrified Artistry Media! Narito kami ngayon dahil sa inaabangang pag-amin at pati narin pagklaro sa mga bagay-bagay na dulot ng.... Sabihin nalang nating, PAG-IBIG, " panimula ko sabay ngiti.

"Batid naman siguro nating lahat na ang pamilyang ito ay sobrang maimpluwensya saan mang sulok ng mundo. Subalit, may mga bagay talagang hindi parin nabibigyang kasagutan at pilit na sumisiksik sa kaloob-looban ng sangkatauhan lalong-lalo na ang mga naging saksi sa pag-iibigang ito! "

"Now! Let us call, Mr. And Mrs. Grayfaurd together with their children! " ako na sinabayan ng palakpakan ng mga audience.

Matapos ang maikling palakpakan, natahimik ang buong lugar at nabaling ang lahat ng atensyon sa mga yapak ng paa na papalapit sa set.

Kaagad akong ne-nerbyos at alam kong hindi rin maganda ang pakiramdam ni direk dahil hindi ito mapakali.

Sino ba naman kasing mapapakali kung kahaharapin mo ang mga taong once in a lifetime lamang magbigay ng atensyon sa media. At talagang buong pamilya pa nila.

Mula sa pinto, ay sumungaw doon ang confident at magandang si Miss Erza na idolong-idolo ko! Gusto ko tuloy na tumakbo at lumapit sa kanila para magpa-autograph! Susko! Nakaka-lesbyana ang kagandahan niya!

Sa kaniyang kanang kamay ay hawak-hawak niya ang kaniyang baby girl na suot ang kulay baby pink na T-shirt at short skirt. Naka-boots din ito at naka headband. Sobrang kyut nito at medyo hirap maglakad dahil sa tingin ko ay nag-aaral palang itong maglakad ng tuwid.

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon