TB'SW ♥ 37: That Little Boss 2.2

6.4K 141 7
                                        

Kabanata 37

Kinakabahan ako habang kaharap ko ang kambal na sina Dale at Dawn habang pinagigitnaan nila ang baby ko na may nakapansak na dede sa bibig habang bored na nakatitig kay Jellal sa kabilang gilid ng sofa.

Oo, kasama siya namin sa reception area kung saan kami nakaupo ngayon. Naiiyak ako na naiihi sa takot na baka malaman ni Jellal na anak niya ang baby ko lalo na't MAGKAMUKHA SILA!

Tila naasiwa si Jellal sa titig ni baby Hunk kaya ito dumausdos sa tabi ko. Sobrang lapit na niya sa akin dahilan para patalon na nilisan ng anak ko ang sofa sa harap at hinawi ang mga hita ni Jellal sa may hita ko.

"Nooooooo!!!! Don't come closeeee! " wika nito at ini-angat ang dalawang kamay na wari ko'y gustong magpabuhat sa akin.

Hinawakan ko ang bandang kili-kili ng baby ko at kahit na mabigat ay binuhat ko ito para ikalong sa aking hita.

"Mommy, whoth that ugly guy? " bulong nito sa akin kaya ako napangiti. Tiningnan ko naman si Jellal na tila hindi makapaniwala.

"E-erza. Y-you have a c-child? " Jellal asked na kaagad na namutla.

I heard Dale murmur. "For sure, 'yang papabelz na 'yan ang tatay ng Hunky baby natin. " wika niya nakaagad ko ring ikinamutla kaya ko sila pinandilatan ng mata. "Mukha pa lang ng alaga natin na may pagka lahi ng tiyanak ay oks na oks na! " dagdag naan ni Dawn.

Napapalunok kong tinignan si Jellal na tila naguguluhan parin at sa baby ko na busy sa kaniyang dede.

"Mommy!! Answer me!! Huhuhuhu! " may pagka demanding nitong utos at konte nalang ay maiiyak na.

"M-my boss, baby. " ako.

Marahas naman na nilingon ng baby ko si Jellal at bored na tiningnan.

Kumawala ito sa akin at kumandong kay Jellal na hanggang ngayon ay nakatulala.

*pak! *

Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisnge ni Jellal na kaagad naman niyang hinawakan at tinitigan ang anak ko na masama ang tingin sa kaniya.

"YOU KISSH MOMMY!!!! I FORGIVE YOU NOT!! EEEIIIHHHH!! " sigaw nito at sinabunutan na naman si Jellal.

Ngumiwi si Jellal sa sakit, saka binuhat ang baby ko na nagsisipa naman ngayon.

Natamaan pa ng sapatos nitong tumutunog tuwing maglalakad siya ang panga ni Jellal na siyang ikinamula nito.

"Baby, that's rude. " ako at kinuha siya sa mga kamay ng tatay niya.

"Hummm!! Hummm... Waahhhuhuhuhu! Huwaaahhh!! Huwaaaahhh!! " iyak nito at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Iyak lang ito ng iyak kaya sinenyasan ko ang kambal na umalis na kami rito. Marami pa silang e e explain sa akin.

"Mauna na kami. " wika ko kay Jellal na hanggang ngayon ay hawak-hawak ang pisnge na nasipa at nakagat ng baby ko.

"You.. You have a lot of things to explain, Erza. " wika nito pero tinalikuran ko na.

Letche!!! Pag ako nahuli malalagot talaga ang kambal na iyon sa akin! Kahit na boss ko pa sila!

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon