TB'SW ♥ 47: Gift of Life

6K 112 2
                                    

A/N: Naka-private ang Kabanata 46, baka kasi hindi kayo na inform. ^_^

Kabanata 47

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng dining hall ng pinakamalaking cruise ship sa pinas. Over 200 nobles lamang ag narito dahil sa papalapit na new year. Regalo ito ni Mr Fuero Vega sa kaniyang panganay na anak na babae kaya inimbita lahat ng tycoon sa Pilipinas para sa tour sa buong mundo. Kanina ko rin lang nalaman noong tinanong ko si Jellal.

I almost drop my jaw when I've seen a very long dining table na puno ng pagkain. For sure, dito kakain lahat ng bisita sa cruise na ito.

"Today we announce that we are heading France for tour! " ani noong kapitan ng barko habang inaalalayan naman kami ng mga maids na maupo sa mga upuan.

Karga-karga ngayon ni Jellal si baby Hunk na walang paki-alam sa paligid. All can he ever think about is his backpack Pickachu.

When we started eating. Kaagad na nabaling ang aking tingin sa lobster na nakahain sa mesa. Hindi ko alam pero bigla na lamang na nanubig ang aking bibig na parang gusto ko itong sunggaban.

Tila napansin ni Jellal kung saan ako nakatitig kung kaya't tumawag siya ng waiter at sinabing bigyan ako ng ganoon.

Tumango lamang ang waiter at kaagad akong binigyan ng malaking hiwa.

Nang matikman ko ito, ay kaagad akong napapikit sa sarap.

Nakangiti ako habang nilalantakan.

Kinakausap si Jellal ng ilan sa mga bisita pero puro tango lamang ang kaniyang nagiging sagot dahil abala siya kakapahid ng mga dumi sa bibig ng anak namin na dungis na dungis kung kumain.

"Mr Jellal Grayfaurd, am I correct? " pagtatanong noong babaeng katabi ni Jellal.

Tumango lamang si Jellal bilang sagot. Habang panay ang aking subo sa sa lobster na aking kinakain, ay napansin ko na inilapit noong babae ang kaniyang upuan sa kay Jellal at bahagyang hinawakan ang mga braso nito.

Naramdaman ko kaagad na umusok bigla ang aking ilong sa nakikita.

"Hmm.. Mr Grayfaurd, I wonder whose that kid? " the bitchesa asked Jellal.

Nagtaas ako ng kilay. Sasagutin ko sana kaso biglang nilingon ni baby Hunk iyong babae at pinagbabato ng chocolate balls. Sa huli, nagmukhang may ketong iyong babae dahil sa mga polka dots na kulay brown sa kanyang fitted dress.

"What the! Ugh! " ani nito sabay tayo na halatang pinanlilisikan ng mga mata ang anak ko.

Gusto kong humagalpak ng tawa. "You look like you're ready for New Year. You've been wearing a polka dots, I didn't seem to recognize earlier, my bad. " I said then sip a bit of water.

Napansin kong wala akong wine sa aking mesa kaya nangtangka akong magtaas ng kamay dahil mag o order sana ako nang pigilan ako ni Jellal.

"No alcohol for you. " he said serious.

Umirap lamang ako at pinagdiskitahan na naman ang grilled cheese sandwich na naka hain. May tuna rin ito as filling kaya mas naglaway ako.

I wonder, kailan pa ako naging sabik sa seafoods?

Napansin ulit iyon ni Jellal kaya nagtawag siya ng waiter at kaagad din naman akong binigyan. I don't know, but I feel like eating seafoods today, at walang makakapigil sa akin.

Napansin ko na pasulyap-sulyap iyong isang bitchesa kay Jellal na may dalawang tumbling ang layo sa amin ni Jellal. Tinignan uli ako ni Jellal kaya tinignan niya kung saan ako nakatingin.

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon