TB'SW ♥ 31: Beauty of Sarcasm

6.3K 138 2
                                        


Kabanata 31

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong kumapit sa sofa dahil ramdam na ramdam ko parin hanggang ngayon ang panginginig ng binti ko sa ginawa ko kanina sa kaniyang opisina.

Why the heck I am feeling this absurdity?! This is insane.

Naglakad kaagad ako patungo sa kusina at nagsalin ng isang baso ng malamig na tubig para maibsan ang kakaibang nararamdaman.

"You love me. " paulit-ulit na ume echo sa aking isipan sanhi para maibuga ko ang malamig na tubig sa may lababo at para mabasa ang aking spaghetti strap shirt.

Napamura ako sa isipan at dali-daling pumunta sa aking silid at kumuha ng tuwalya.

"You are insane, Erza! How dare you feel that kind of awkwardness!! " sita ng aking konsensya.

Napailing ako.

Pati ako hindi makapaniwala.

Yeah. They're definitely right. Madaling magplano at sabihin. Pero pag ikaw na ang nasa sitwasyon. Mahirap gawin.

Nginitngit ko ang aking ngipin ng mapagtantong, sariwa parin pala ang mga ala-alang ibinahagi niya sa akin.

Tumungo ako sa banyo at kaagad na nghubad para magbabad sa bathtub. I need refreshment. Hindi maaari itong nararamdaman ko.

And what was happened earlier was just a pure anger.

Galit at insulto.

Paano niya nagagawang maging kaswal sa akin kong sa nakalipas na apat na taon ay wala siyang ginawa kundi ang saktan ako.

Ni hindi siya nag-abalang hanapin ako para humingi ng tawad.

Napapikit ako sa naisip.

Bwesit!

Bakit ba napaka hirap?!

Just remember. That you are here for closure. Wala ng iba. At kong ano man ang nangyari sa nakaraan ay mananatiling nakabaon.

At wala na akong iba pang bagay na konektado kay Jellal kondi, siya ang kapatid ng boss ko.

Ipinikit ko nalamang ang aking mga mata at pinili ang aking sarili na makatulog.

***

Nagmulat ako ng mata nang marinig ang sunod-sunod na doorbell. Wala man akong balak na tumayo ay pinilit ko parin ang sarili ko dahil sobrang nakakairita sa tenga.

Kaagad kong hinablot sa rack ang bathrobe at kaagad iyong iniyapos sa aking katawan.

Pagkalabas ko sa pinto ay isang flash kaagad ng camera ang sumalubong sa akin sanhi para ipikit ko ang mga mata ko.

"Fuck. " tanging sambit ko.

Buong akala ko ay may mga paparazzi na nakasunod sa akin pero wala naman akong ingay na naririnig. Pagmulat ko, ay walang taong sumalubong sa akin. Bagkos, isang lamesa ang nakaharang sa may pinto ko na may nakapatong na isang bugkos ng pulang rosas at may dalawang itim na may golden laces na papel.

Alam kong wala na sa akin ang mga sulat ni Lacxous G. Pero pawang nakakagulat dahil sa nagdaang apat na taon. Ngayon lang ulit siya nagparamdam.

Walang ekspresyon kong nilapitan ang pulang rosas at nakapikit na inamoy ito.

Nagmulat ako ng mata nang maalala kong si Lacxous G din ba ang kumuha sa akin ng litrato kani-kanina lamang.

Sobrang galing niyang stalker.

Kinuha ko ang isa sa dalawang liham niya pero bago iyon binuksan ay inamoy ko muna. Wala paring pinagbago ang amoy ng kaniyang sulat.

****

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon