Kabanata 32
Wala kaming ibang ginawa ni Mira kundi ang libutin at suriin ang bawat hiblang pagbabago sa buong isla. Dahil sa kadaldalan niya, nagmumukha tuloy na siya itong nawala ng halos apat na taon.
"Grabe, Miss. Hindi talaga ako makapaniwala na ganoon na lamang kabilis lumipas ng araw. Baka nga sa hindi natin namamalayan, e bukas. PATAY NA AKO. " aniya sabay flip sa kaniyang buhok at kaagad na hinarap ako. "Pero syempre, joke lang iyun! " aniya at ngumiti .
Napailing ako habang pinipigilan na matawa sa mga pinagsasabi ni Mira. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.
Siguro, kung wala siya sa buhay ko matagal ko narin atang nalimutan ang ngumiti. Ng dahil sa kanila, naging mas pursigido akong maabot ang nais kong abutin.
"Salamat, Mira. " biglang 'ika ko kaya napatingin siya sa akin.
"Para saan? " siya na tila naguguluhan.
"For everything. " ako. Ngumiti naman siya at bahagyang namula. "Naks naman, Miss! Iba rin banat mo huh! " aniya at marahas na tinapik ako sa braso sanhi para ngumiwi ako sa sakit.
"Kukutusan talaga kitang babae ka. " banta ko na nakapikit ang isang mata. Nag peace sign lamang ito at tumakbo palayo sa akin.
***
Someone's PoV
"Dale, sigurado ka ba sa desisyong ito?! " mahina kong bulong sa aking kakambal na pinapatulog si baby Hunk sa kaniyang mga braso.
"Wala tayong choice! Ayaw sumagot ng ina ng batang ito kaya tayo nalang ang pupunta! " aniya ng mahina pero may diin lahat ng iyon.
"Pero wala tayo sa tamang posisyon na mag desisyon! Paano kong may masira tayong plano? Paano kong dahil sa gagawin natin may masamang mangyari? Huwag nating idamay si Hunk sa problema ng mga magulang niya! " giit ko sa aking kakambal na busy parin sa pagpapatulog at paghawak sa dede ni baby Hunk.
Nang mapansin niya na tulog na ito ay kaagad niyang inilapag si baby Hunk sa matayog nitong crib at hinila ako palabas para doon ipagpatuloy ang aming usapan.
"Dawn, magtiwala ka sa akin. Maaaring may dalawang sirkumstansiya ang gagawin nating ito pero kailangan nating iharap si Hunk sa nanay niya. Aware ka naman siguro kong gaano ito ka war shock tuwing nakikita nitong wala ang mommy niya. At isa pa, Dawn! Naaawa na ako kay Hunk. Masyado pa siyang bata para iwan! " mahabang lintaya ni Dale.
BINABASA MO ANG
The Boss' Silent Worker (Completed)
RomanceGRAYFAURD CREST SERIES 1 Erza Scarlet Quevaz's most absolute rule is being a silent worker for years pero hindi talaga maiiwasan ang inis na nangingibabaw sa kaibuturan ng kaniyang buto-buto lalo na pag nagpapakita ng interes ang kaniyang walanghiya...
