TB'SW ♥ 50: The Final Blow

7.1K 123 17
                                    

This is the last Chapter of The Boss' Silent Worker. Savour the moment and don't miss a word.

--Kerrihara Vexania

Kabanata 50

Naging busy ang lahat lalo na ang mga kasambahay ng mga Grayfaurd sa pagbubuhat ng kung ano-ano para sa dekorasyon sa bulwagan.

We were actually at Grayfaurd's mansion, dahil nais ni Miss Launxi or should I say, mama, na dito e held ang reception ng binyag ni baby Exxel.

"Yaya, I want you to tell those other maids out there to perfectly sanitize the chandelier above the dining table. I don't want any dirt being exposed, " pag-uutos ni Miss Launxi kay Yaya Jona habang nakapameywang.

Miss Launxi Grayfaurd was already on his fifties, but she doesn't look older than thirty. Medyo may wrinkles lamang siya, pero overall, she's perfectly beautiful, she's Grayfaurd after all.

Nakasuot siya ng roba habang nagbibigay ng instructions sa mga kasambahay, I've seen Athrina doing the same thing too.

"Erza, you need a beauty rest to the upcoming ceremony, get rest and take care of my granddaughter, " wika ni Miss Launxi at itinuro sa akin ang taas. Nasulyapan ko pa sa gilid ng aking mata ang pagkakadapa ni baby Hunk na kaagad na ikinatili ng lola niya.

"Apo! " ani nito at tumakbo palapit kay baby Hunk.

Kahit ako nagulat dahil sa kalabog na umecho sa bulwagan dahil sa pagkakadapa ni babay Hunk. Lalapitan ko rin sana si baby Hunk pero tumayo naman kaagad ito at ngumuso. Natawa nalang ako habang inililibot ang tingin sa paligid.

Kaninang umaga pa nagsimula sa pag-aayos si Miss Launxi, ani niya pa kanina, "It's my first granddaughter, Erza. It is very unacceptable if her lola won't throw a party for her, it would be a shame to all the Grayfaurds, " aniya.

Hindi ko maiwasang matawa sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya. Grayfaurds were filthy rich, at basi sa mga kwento ni Athrina, nasa ugali na nga talaga ng kaniyang pamilya ang mga engranding okasyon simula pa noong mga bata sila.

"Don't be shocked, ate. Masanay ka na kay Mommy, lalo na dahil binyag ngayon ng nag-iisa niyang apo na babae, " I heard Athrina's voice echoed near my ears.

Bumuntong hininga nalang ako, I don't like parties. But this party is not for me, it's for my baby.

Ngumuso na lamang ako habang pinagmamasdan si Miss Launxi na inaalo ang walang paki-alam kong anak. Kanina pa siya kinakausap ng lola niya pero bored na bored lamang ito at kung hindi lang hawak ni Miss Launxi ang magkabila nitong braso ay baka kanina pa ito nagtatakbo.

Nang napalingon sa akin si Miss Launxi o ni mama, ay sinenyasan niya akong umakyat sa itaas.

Tumango lamang ako sa kaniya at bahagya ring ngumiti habang tinatahak ang hagdan sa itaas.

Pagkarating ko sa kwarto, bumungad sa aking paningin ang nakahilatang katawan ni Jellal habang natutulog sa kaniyang dibdib ang baby Exxel namin.

Jellal was tightly hugging our baby princess in his chest. Natatakot na baka mahulog ito.

Kaagad akong sumampa sa kama at hinalikan si baby Exxel sa pisnge at gayon din si Jellal sa labi sanhi para mapakislot ito at nagmulat ng mata.

"Hi, " Jellal whispered in his bedroom voice. It was husky and it sends millions of electricity all over my body.

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon