TB'SW ♥ 23: I Missed You

6.3K 142 9
                                        


Kabanata 23

Puntong alas dose na ako nakauwi sa kubo namin ng mga ka-department ko. Sa katunayan, hindi pa nakakatulog si Sir Jellal hanggang ngayon dahil iniisip nito na iiwan ko siya.

Hindi naman kasi ako gaga para iwan siyang may sakit sa kaniyang kubo kaya nagpaalam muna ako saglit para kuhanin ang baon kong gamot para ipa-inom sa kaniya.

Pagkabalik ko sa kaniyang kubo ay kitang-kita ko ang panginginig ng katawan niya. Kinuha ko kaagad ang baso sa may lababo at nilagyan ito ng tubig.

Lumapit ako sa kaniya at bahagyang tinapik ang kaniyang pisnge ng marahan para magbukas siya ng mata.

Ano ba kasi ang pumasok sa kukute ng taong ito para magpa-ulan. Ayan tuloy, ede nagkasakit!

"You need to drink this. " ani ko sabay alalay sa kaniya para tumayo. Sumunod naman siya. "Sleep with me. I'm cold. " aniya at pilit na hinihila ang aking beywang para tumabi sa kaniya.

"Okay. " ako at mabilisan na inilagay sa ibaba ng kama katabi ng lampara ang baso na pinag-inuman niya.

Inayos ko ang comforter para hindi siya lamigin. Pero wa epek, nanginginig parin siya.

I hugged him tight kaya medyo humuhupa ang panginginig niya. Pero kalaunan ay bumalik rin kaagad.

"Sir, balik nalang kaya tayo sa Maynila. You're burning. " ani ko na may pag-aalala. Hindi normal ang init niya. Para akong napapaso.

"N-no! " aniya at ibinaon ang mukha sa aking dibdib at mahigpit na niyakap ang aking beywang.

Panaka-naka ko siyang hinahaplos para makatulog. Pero hindi parin talaga nawawala ang panginginig niya. Hindi kaya ng komporter ang lamig na nararamdaman niya.

Kong hindi ako nagkakamali, pumatak nalang ang alas dos ng madaling araw ay hindi parin kaming dalawa dinalaw ng antok. Nag-aalala na ako dahil tila hindi nababawasan ang lamig na nararamdaman niya. Umupo ako sa kama at inilagay ang kamay ko sa leeg at noo niya. May lagnat parin siya pero medyo humuhupa na. Kaso nanginginig parin siya.  Natatakot na ako baka napano na ito.

"S-sir, you're cold. Please remove your clothes. " ani ko na hindi maiwasan ang pamumula. Nagkunot noo naman siya sa sinabi ko at medyo napa-awang ang bibig.

"You need to get warmer. " ani ko at pilit na hinuhubaran siya.

"H-how can I get warmer without my clothes on, Erza. " ani niya na tila nilalagay sa loob ng ref.

"Aist! H'wag ka nang magtanong. " ani ko at hinubad ang T-shirt niya. Kasunod din noon ang paghubad ko sa kaniyang shorts kaya naiwan nalang ang kaniyang boxers.

Tinitigan niya lamang ako ng hindi makapaniwala pero wala akong paki-alam. Baka nga siya pa ang mag enjoy sa gagawin ko.

Umupo ako ng maayos at hinubad ang suot kong dress at bra at iniwan sa aking katawan ang aking panty at cycling shorts.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ni Sir Jellal sa ginawa ko pero napalitan ng hindi maipaliwanag na kislap.

Agad kong hinila ang comforter sa aking likod at niyakap siya habang nakapatong ako sa kaniya.

"Liked it? " bulong ko habang mas hinihigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko ang paninigas niya.

"Darn! I love it. " aniya at niyakap ako pabalik.

Hindi rin nagtagal nang maramdaman ko na hindi na siya nanginginig kaya nakatulog na ako ang mahimbing.

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon