TB'SW ♥ 36: That Little Boss 1.2

6.2K 148 29
                                        


Kabanata 36

Dawn's POV

Inis na inis na pinahid ng kakambal kong si Dale ang kaniyang pawis at inalis ang mga hibla ng buhok sa kaniyang tenga.

Kanina pa kami na bo-bwesit sa mga driver ng mga Yate papuntang Palacio Royale dahil dene deadma ang beauty namin!

Kalong-kalong ko si baby Hunk na kay bigat-bigat habang may nakapansak na dede sa mga bibig. Kanina pa ito nanlilikot dahil sabik na sabik na, na makita ang mommy niya.

"Manong naman! Pati ba naman kayo paasa?! Mga labing-limang minuto na kaming nag-iintay dito o! " inis na sigaw ni Dale doon sa driver.

Hagard na hagard na ang mukha ni Dale dahil gulong-gulo ang mala abo nitong buhok at may maiitim na guhit sa ilalim ng mga mata.

Wala naman kasi kaming tulog! Alam niyo naman siguro kung ano ang life namin pag kasama namin si baby Hunk!

"Aba't abusado kang bakla ka a! Kita mo na ngang madaming pasahero atat ka. Matutu ka namang mag-hintay! " hirit ni manong.

Aba't loko 'to matandang panot na ito a! Sinong bakla ang sinasabi niya!

"Mag-hintay? Manong naman! Paasa ka talagang bwesit ka! At sinong may sabi na bakla ako? " si Dale na tila galit na.

"E bakit hindi ba?! " hirit din naman ni manong na inilapit ang mukha niya kay Dale.

"Yuucckk! Huwag ka ngang lumapit, you're just showing me the big hole of your hairy nostrils! " si Dale at tumalikod, pero bago iyon ay ni warningan niya si manong ng watch and learn.

Inayos niya ang kaniyang sarili at gulat na gulat hindi lamang ako pero halos lahat ng taong nakatingin sa kanila.

"Shit! Ang sexy! "

"Hala, jusko... Huwag kayong tumingin mga apo. "

"Ay! Scandal! "

Iyon ang mga reaksyon ng mga tao sa ginawa ng kakambal ko. Napatampal ako sa aking noo.

Jusko Dale! Kailangan talaga ipakita mo dibdib mo?!

"Oh! Nga-nga ka ngayon! " si Dale.

"Eeiiihhh! Humm! Hummm! Tita!!!!!! "

Nabigla ako kasi biglang nagsalita si baby Hunk at maluha-luha ang bilugan nitong mga mata.

Tinignan ko kung saan ito nakatingin, at napansin ko na nakatitig ito kay Dale at doon kay manong.

"There! Bring me!!! " damanding nitong utos sa akin.

Sumunod naman ako.

Nang makalapit kami ay bored kong tinignan si manong.

Nagsquat si baby Hunk at sinapak si manong sa cheeks.

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon