TB'SW ♥ 24: Caught with his Letter

6.5K 145 11
                                        


Kabanata 24

Noong una, hindi pa ako tumugon sa malalim niyang halik. Natatakot ako na sagutin ang halik na iyon, dahil mukhang ipinapaubaya ko na naman ang sarili ko sa kaniya.

Pero hindi. Sa init palang ng katawan niya alam ko nang hindi ko na iyon matatanggihan. Lalo na no'ng maglapat ang aming katawan. Ang malalambot niyang labi na sobrang rahan kong lumapat sa aking labi na siyang dahilan para mas mag-init pa ang aking katawan.

Hindi ko na lamang namamalayan ang aking sarili na tumutugon sa kaniyang mga halik. Ikinuwit ko rin ang aking mga braso sa kaniyang mga balikat para mas palalimin pa ang halik na ibinibigay niya sa akin.

Pero, doon lamang iyon. He removed my hands on his nape and stared at me intently. Wala akong ibang magawa kundi ang titigan siya pabalik. His eyes was fury as if it's telling me something.

He pulled me closer, as if our distance isn't enough for him.

Napabuntong hininga ako. "How can be this man this attractive? " sambit ko sa aking isip.

Kahit kailan hindi pa ako tumingin ng ganito sa isang lalaki. Kahit kailan siya pa lamang ang lalaking naging una sa LAHAT ng bagay sa akin. And to think na iiwan niya ako sa bandang huli, makes me want to cry in advance.

"You're more beautiful each day, Erza. And it's fucking the hell out of me. " he whimpered near my ears.

Napangiti ako sa isip. Aaminin kong, kinikilig ako sa mga pinagsasabi niya pero may part parin sa akin ang natatakot. Man! Once a playboy will always be a playboy. Sanay na silang maging ganito sa mga babae. And what if, masanay ako?

But the thing is, it's only a what if  walang magandang maidudulot ang letcheng what if  na iyan. As what Nicholas Sparks said. "What and If are two words that if you put them together, side by side. It has a power to haunt you for the rest of your life " at basi sa aking pagkakaintindi, huwag nating hayaan na magdesiyon ang ating sarili basi sa mga bagay na posibleng mangyari. Treasure the moment when you feel that you are free, set aside those what if's because it can be the reason of your regrets. And as the moment goes like this, I promise to treasure this kind of memories.

"I know that already, boss. " I said trying to hide my smirk.

Pero tila tinatraydor ako ng sarili ko. Nakita niya parin at naging dahilan iyon ng kaniyang pag-ataki.

He kissed me again, at ang mga halik niya na ata ang isang bagay na dapat kong pahalagahan. Hindi dahil mahal ko siya, pero dahil siya ang taong unang pinagbigyan ko nito nang hindi nakakatanggap ng kahit isang flying kick.

****

MABILIS na lumipas ang mga araw, malapit na naming matapos ang building, sa dami ba naman ng nagtatrabaho, ni walang oras na walang nakikitang natatapos ang lahat ng empleyado.

Naging sobrang busy kaming lahat, lalo na ako dahil sinisimulan ko nang hawakan ang interior ng building. Sobrang laki ng gusali kaya medyo nahihirapan akong e manage, mabuti na lamang dahil narito sina Mira, Lucy, Clara, Gadjiel, at higit sa lahat si Enzo. Hindi ko parin nakukuhang muli ang loob ni Enzo sa akin. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. So let's deal with it.

"Mira, can you pass me a water, please? " ani ko sa katabi habang nakatutuk sa papel na hawak-hawak.  Wala akong narinig na response kaya ako na mismo ang lumingon.

Pero napakunot noo ako nang wala akong naabutang tao sa paligid ko.

"Asan sila? "

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon