Kabanata 22
Matapos mabasa ang kaniyang walang kwentang text ay kaagad ko nang isinuot sa aking bulsa ang aking cellphone. Wala naman kasing magandang mangyayari kong papatulan ko siya.
Binaling ko ulit ang aking atensiyon kay Sir Gray na patuloy sa pag do-drawing ng mga pools design. Tinalikuran ko si Sir Jellal at sinigurado ko talaga na bigyan muna siya ng isang walang kwentang titig.
Kahit nakatalikod na ako sa kaniya ay ramdam na ramdam ko parin ang pagngi-ngit-ngit niya dahil sa binigay kong ekspresyon.
Kong alam niya lang kong gaano kasakit ang pinamukha niya sa akin kagabi. Pinagmukha niya akong walang kwentang babae na nilalapitan kong kaylangan at pagsawaan anytime.
Ano'ng akala niya sa akin?? Living toy? Tss. Pagod na akong masaktan at magdusa at hindi ko iyon hahayaan.
Nasa gitna kami ng pagpaplano ni Sir Gray ng biglang kumulog ng malakas kasabay ng pagbuhos ng ulan.
Dali-dali naman kaming tumakbo ni Sir Gray pero nang nangangalahati na kami ay may mga brasong pumulupot sa aking beywang at inangat ako tapos isinampay sa kanang balikat.
Labis ang pagkagulat ko kaya nangpakawala ako ng isang tili na kaagad namang nawala ng marealize ko na si Sir Jellal ito. Likod palang, kilala ko na.
"JELLAL! SAAN MO AKO DADALHIN! " ani ko habang hirap na hirap sa sitwasyon ko. Hindi siya sumagot bagkos ay naglakad lamang patungo sa mga kubo.
Pilit kong kumawala kaya sa huli ay nagtagumpay ako. "The fuck, Erza! What the heck was your problem! Let's go before the storm got-- " hindi ko na siya pinatapos at tinulak siya ng malakas para lumayo sa akin.
"WALA AKONG PAKI-ALAM! Umalis ka sa harap ko!!!" ani ko at naglakad palayo sa kaniya. Hindi ko alam kong saan ko dinadala ang sarili ko, basta ang alam ko lang ay gusto kong maglakad!
Bwesit siya! Paulit-ulit nalang! Babaero nga! Pag may ugaling ganiyan ang hirap tanggihan! Bwesit! Ede magsama sila ni Emerald. Total mas maganda naman 'yun sa'kin! Elegante pa.
Bwesit sila.
Nang naglaon, hindi ko na alam kong saan ako dinala ng mga paa ko. Pero huli na nang napagtanto ko na nasa gitna ako ng gubat.
Feeling ko pumuti lahat ng balat ko dahil sa takot. Kahit alas dose pa ng hapon ay medyo makulimlim na ang kalangitan kaya nag munukhang alas sinco.
"Shit! Saan ako dadaan pabalik??? " sambit ko sa sarili at iniikot ang aking paningin sa paligid na puno ng kahoy.
Naiiyak na ako at nilalamig kaya mas dumoble ang takot ko.
Ayan kasi! Walk out pa! Letche! Paano na ako makakabalik ngayon??
Pinilit kong binabalikan ang dinaanan ko kanina pero sa takot ko sa mga talahib ay nanatili nalang ako sa isang malaking puno panangga sa ulan.
"Kasalanan mo ito, Erza! " ani ko sa aking sarili at umupo nalang at niyakap ang tuhod.
Jusko! Sana naman may makakita sa akin dito.
Hindi ko namamalayan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko sa kaba. Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko.
"Miss, you're lost? " dinig kong tinig sa aking unahan.
Nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sa akin ang pagka gwapong mukha ng isang nilalang.
BINABASA MO ANG
The Boss' Silent Worker (Completed)
RomanceGRAYFAURD CREST SERIES 1 Erza Scarlet Quevaz's most absolute rule is being a silent worker for years pero hindi talaga maiiwasan ang inis na nangingibabaw sa kaibuturan ng kaniyang buto-buto lalo na pag nagpapakita ng interes ang kaniyang walanghiya...
