Kabanata 27
Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata ng marinig ang sunod-sunod na doorbell. Ayaw ko mang bumangon pero pinilit ko ang sarili ko dahil alam kong si Sting na iyon.
Nakasuot lamang ako ng nightgown kaya bago buksan ang pinto ay nagbihis muna ako ng damit na komportable.
"Sting? " bungad ko kaagad pagkabukas ng pinto.
Napatanga ako ng ilang segundo nang wala naman akong nakitang tao sa pinto pagkabukas ko rito.
"Huh? Wala pa siya? O nan-ti-trip lang ang loko. " ani ko sa isip.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero, tanging kadiliman lamang ang bumungad sa akin. Wala pa ba siya? Pero sino naman kaya ang nag-doorbell?
Akmang isasara ko na sana ang pinto nang may nakita ako medyo kumislap katabi ng aking pinto.
Dahan-dahan ko itong tinignan at nang mapagtanto ko na papel iyon ni Lacxous G ay agaran akong ginapangan ng kaba.
Feeling ko sumasakit 'yung ngipin ko dahil sa kaba.
Ayaw ko mang kunin ang papel pero pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Hindi ko na alam kong ano ang mararamdaman ko. Halo-halo na. Nawala si Lacxous G sa isip ko mga ilang araw pero nagbalik naman kaagad.
Letche! Sino ba ang taong ito na mas nagpapadagdag ng problema ko.
Pero naisip ko rin na. Baka nagkakaganito si Lacxous G. dahil sa tingin niya ay kayang-kaya niya ako. Dahil sa tuwing nagpapadala siya ng sulat ay lagi akong nakakaramdam ng takot. Hindi ko alam kong ano na ang gagawin and for sure, that's the reason why he keep on giving me letters. He keep on pressuring me eternally. And I hate it. I need to be tough for him to realize that I am not that easy as he think of me.
Walang emosiyon kong kinuha ang sulat niya sa sahig at binasa mismo sa may pinto kahit alam ko na may nanonood. Lacxous G was not just an ordinary man. Hindi siya basta-basta. He's a multi-billionaire at kaya niyang pagalawin ang lahat ng bagay sa mismong mga palad niya. And I don't know kong ano ang ginawa ko kong bakit nabaling ang atensyon niya sa akin. At ang mas ipinagtataka ko. Kong kelan nagsimula si Sir Jellal na guluhin ang buhay ko gayon din naman ang pagsulpot ni Lacxous G.
Is it coincidence? Or talagang pinaglalaruan lamang ako ng tadhana.
Sweetie,
You want to know me? Then chase me. I want you and I love you, but don't get me wrong. I'm human and I am hurt whenever I see you hurt. You doesn't want me, but I want you. You doesn't need me, but I need you.
That's the feeling of being in love. And you are fucking my mind wherever I go. Someday, I'll have the courage to present myself to you.
Lacxous G.
Kong noon ay nanginginig ako sa takot tuwing nababasa ang sulat niya ay iba na ngayon. All I want is to find him. Walag halong takot. Nasanay na siguro ako.
Lacxous G doesn't want me hurt. That only means that I am safe. Why don't he just present himself? Wala namang mawawala 'diba? Naduduwag ba siya? Ano ba ang ikinakatakot niya?
Minabuti kong ini lock ang pinto ng bahay at bumalik sa aking kwarto para ipagpatuloy ang naudlot na tulog.
Pagkahiga ko sa kama ay naalala ko na naman ang nakita ko sa video kahapon. Pilit ko mang iniwawala ito sa isip ko ay paulit-ulit parin itong umiikot na parang buhawi.
Ayaw ko na!
Pinilig ko ang ulo ko at kumuha ng unan para ibaon ang aking mukha rito. Ghod! Ayaw ko nang maalala iyon! M-masakit! Bakit ba ganito!
BINABASA MO ANG
The Boss' Silent Worker (Completed)
RomanceGRAYFAURD CREST SERIES 1 Erza Scarlet Quevaz's most absolute rule is being a silent worker for years pero hindi talaga maiiwasan ang inis na nangingibabaw sa kaibuturan ng kaniyang buto-buto lalo na pag nagpapakita ng interes ang kaniyang walanghiya...
