Kabanata 12
Nakaupo lamang ako sa aking kama at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa mga nabasa mula sa sulat ni Lacxous G.
Sino sya? Hindi ako naniniwalang hindi ko sya kilala! Alam kong isa sya sa mga empleyado ng GFC dahil narin sa mga sulat nya. It feels like, he's just so near.
I know na sa mga ganitong kind of set up ay ang mga taong malalapit lang sa akin ang salarin. But who!
First Suspicion , Jellal Astrair Grayfaurd. I saw him that day na kumakain sa bahay ko then suddenly the letter appeared out-of-nowhere! Pero kong si Sir Jellal nga iyon, napaka bobo naman ata nya para magbilin ng ganoong liham na halatang-halata na sya 'yung admirer.
Pero, kong naipasok ito ni Lacxous G dito sa kwarto ko. Posible ring naipasok nya iyong letter sa kitchen ng ganon kabilis! At posible ring gawin nya iyon para e set up si Sir Jellal para sya ang panghinalaan ko!
Okay, you're brilliant Erza. But think really better kong sino ang pwedeng salarin sa mga pangyayaring ito. Nakakakilabot na at hindi na nakakatuwa.
Second Suspicion, Grayson Allen Fuenterebela. The way he's calling me 'Sweetie ' it makes me remember Lacxous G. The way he told me he likes me and I'm special, makes me remind Lacxous G.
Well, as I said the last time na common endearment lang ang word na sweetie. At kong sya nga si Lacxous G. Why would he gave me the reason to suspect him? I know sir Gray was genius enough para hindi gawin ang bagay na ikakasira ng maganda nyang plano.
Now, ang tanong sino?
Sir Alstreim? E Klarong-klaro pa sa sinag ng araw na wala iyong interes sa akin. Hindi nya ako masyadong nakakasama at galing pa nga iyong ibang bansa at umuwi lamang sa Pilipinas para isaayos ang bagong project na hahawakan ko. And sooner or later maaaring bumalik na ito sa States.
Ngayon sino ba talaga si Lacxous G?
Si Enzo?
Si Gadjiel?
Jesus, Erza! Bakit isinali mo ang dalawang may topak na 'yan sa mga pinanghihinalaan mo? Eh klarong klaro pa keysa sa mineral water na hindi non kayang bumili ng branded na papel! At walang interes ang mga iyon sa'yo kasi may sariling mundo ang mga iyon.
Or
Maybe one of my coworkers . Mas malaking posibilidad iyon lalo na ang mga katrabaho ko na matagal na rin sa GFC.
I think you'll start investigating secretly now, Erza. Bago pa man mag level-up si Lacxous G na gahasain ka sa kalaliman ng gabi.
Pinilig ko ang ulo ko sa kaiisip ng kong ano-ano. Maybe I just need rest. Ang daming stress ang nakalap ko sa pesting bakasyong iyon!
Imbes na mag relax, mas nadagdagan lamang ang bigat sa pakiramdam ko. Letcheng boss 'yan!
Bagay lang sa kanya ang mga pasang natanggap nya sa akin kagabi. Kulang pa nga eh! Mabuti't 'yun lang ang natanggap nya sa kabila ng lahat ng ginawa nya sa akin.
****
In the morning. I immediately do my daily rituals before going to work. Naligo, nag bihis, kumain then put a light make-up.
Pagkarating ko sa opisina ay gaya ng dati with poise, at chin up. I want them to think that I am not affected, specially, Lacxous G. I know he's just somewhere at pinagmamasdan ang kilos ko kaya mas dapat ko lang galingan ang pag a-acting na okay lang ako.
"Miss Erza. May email na dumating. Pinapadali po 'yung interior para sa buildings ng ibang branch ng GFC. " problemadong wika ni Clara
BINABASA MO ANG
The Boss' Silent Worker (Completed)
RomanceGRAYFAURD CREST SERIES 1 Erza Scarlet Quevaz's most absolute rule is being a silent worker for years pero hindi talaga maiiwasan ang inis na nangingibabaw sa kaibuturan ng kaniyang buto-buto lalo na pag nagpapakita ng interes ang kaniyang walanghiya...
