TB'SW ♥ 39: Stolen Shots Collection

6.3K 131 1
                                    


Kabanata 39

"Mommy, "si baby Hunk habang inaantok na papalapit sa akin.

"Yes? " ako at binuhat siya at inupo sa kama habang mahimbing na natutulog si Jellal.

"Imma hungry, "ani nito habang kinukusot ang mga mata. I smiled at him. Kahit isang beses, hindi papasa sa anak ko ang walang midnight snack.

"Okay, " ako at binuhat siya papuntang kusina at inupo sa highchair. I was the one who designed this hotel, kaya nararapat lamang na may kitchen. Papasa na nga ata itong condominium.

"When are we going back to France, I missed Titania. "mahina at malambing nitong sambit kaya naging perpekto at hindi nagkanda-utal-utal.

 
I smiled secretly. Titania Lixiviate Puerto Rico was my son's best friend. Kalaro niya iyon doon dahil magkapit bahay lang naman kami. Parehong-pareho sila ng ugali ng baby ko kaya kapag magkasama silang dalawa, hindi puwede ang walang masirang kagamitan.

"I can't go back to France all of a sudden, baby. I have tons of work to do. I need to work for us. Don't worry, if you truly missed Titania, I'll tell tita Dale and tita Dawn for you to go back. " I said assuring him. Pero isang napaka tulis na tili lamang ang kaniyang pinakawalan.

"Nooooooooooooooo!!! " siya.

Gusto pa sana nitong tumalon sa highchair pero sobrang taas nito at tila natakot.

"Mommy! I don' wanna go back! I want you with me! " wika nito. 

Tumalikod muna ako at inihanda ang pinainit kong sandwich at ang kaniyang dede.

"That's okay, mommy's gonna came right after you. I'll just have to finish my work. " I said assuring again. Ngumuso ito at inirapan ako.

Pero noong inilahad ako ang pagkain ay bigla itong sumigla.

Hindi maaaring manatili ang anak ko rito, marami akong bagay na dapat gawin. At lalong, hindi pa tapos ang misyon ko kay Lacxous G or should I say, Lacxous Grayfaurd.

***

"Erza! Seryoso ka tungkol dito? " tila hindi makapaniwalang sambit ni Dawn.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Oo, marami akong bagay na nararapat tapusin, at hindi ko iyon magagawa kung narito kayo. "

Biglang sumama ang hilatsa ng mukha ni Dale, tila mayroong iniisip. "You have a point, Erza. Actually we have a lot of works to do in Paris. But, what about Jellal? May alam ba siya rito? " si Dawn na walang bahid ng kahit anong ekspresyon ang mukha.

I sigh. Hindi ko pa siya napagsabihan pero alam kong hindi siya papayag. Bibigyan ko naman siya ng sapat na panahon para sa anak namin.

Umiling ako kay Dawn. "Wala siyang alam dito. Pero hindi pa naman kayo aalis kaagad. " ako habang inaayos ang pagkakaipit sa aking buhok.

"Naiintindihan ko. " si Dawn. Ngumiti lamang ako sa kanilang dalawa at naglakad papunta sa pool dahil naroon ang mag-ama ko.

Matapos ang halos dalawang oras na pagbababad nila sa tubig. Halos hindi ko ma makilala ang anak ko dahil pulang-pula ang mata nito. Medyo namumula ito sa init ng araw pero mas intese ang mga mata nito.

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon