TB'SW ♥ 34: Kisses and Hood

6.4K 149 36
                                        

Kabanata 34

Kahit nakapikit pa ako, alam ko na sa sarili ko na may humahalik sa mga balikat ko. Napapikit kaagad ako ng mariin dahil sa naalala kung ano ang nangyari kagabi.

"Good morning. " bulong niya sa akin sa boses na bagong gising.

Bumangon ako na nakatalikod sa kaniya at huminga ng malalim.

May namagitan sa amin kagabi. Pero siya ang may pakana noon!

"Tumugon ka naman." bulong ng aking konsensya.

Hinila niya ako paharap sa kaniya na magkasalubong ang kilay.

"I want to cuddle. " may pakademanding nitong wika at hinila ako pabalik sa pagkakahiga.

Nawala lahat ng emosyon sa mukha ko nang maalala ang ginawa niyang panloloko sa akin mismong sa islang ito noon.

" Umalis kana. " ika ko kahit naman nakapulupot ang kaniyang mga braso at binti sa buong katawan ko.

"Tss. " tanging sambit niya at pumikit. Nararamdaman ko na rin ang malilikot niyang kamay sa aking dibdib at bahagya itong pinipisil.

"Bingi ka na siguro kung hindi mo iyon narinig! "

" Nasa loob, nilalaplap ang best friend ko. "

Nang maalala ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ni Juvia, almost 3 and half years ago ay imbes na kiligin sa ginagawa niyang pangmamanyak ay umasim ang hilatsa ng mukha ko.

"Huwag mo akong hahawakan. " ako at sinubukang tumayo.

Hindi pa nga nangangalahati ang katawan ko ay hinila niya ako pahiga sa kama.

"Tell me your problem. " aniya na parang wala lang.

Bigla akong nakaramdam ng pagkabwesit kaya ko siya kinurot.

"Ouch! " daing niya .

Lihim akong humagikhik dahil batid kong nasaktan ko nga siya.

Hinila niya ako at pinisil sa puwet na tila nanggigigil.

"Aray! Masakit ha! " ako kaya niya ako hinalikan sa noo.

"Do you have someone else in Paris? " pagtatanong niyang bigla.

Naalala ko si baby Hunk. At kaagad akong napangiti, namiss ko tuloy ang anak ko.

"Oo. " tangi kong nasabi at ngumiti.

Bigla siyang nanggigil at pinisil na naman ako sa may beywang at kinagat ako sa panga.

"I need to know him. Then kill him right after I'll cut his dick. " aniya na pinagpatuloy ang ginagawa.

Gusto ko siyang saksakin dahil sa sinabi niya. Gusto niyang gawin 'yun sa anak namin?! Tignan lang natin kung makaya niya, dahil tiyak kong mas wild pa iyon sa lahat ng hayop sa Zoo.

"Alam mo bang, ng dahil sa kaniya kaya kita nakalimutan agad? Minsan nga inisip ko na sana nagpakasal ka na sa iba para wala ng pipigil sa akin na angkinin siya. " ako.

Biglang dumilim ang hilatsa ng mukha niya at pumaibabaw sa akin.

Tinulak ko siya pero sobrang bigat niya.

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon