TB'SW ♥ 17: Indication To Lacxous G.

6.8K 152 8
                                        

Kabanata 17

Natuloy ang plano namin ni Sting na mag dinner sa isang high-end restaurant sa BGC.

Even though it's almost three hours since narinig ko ang sinabi ni Sir Jellal na "Jealousy kills. " e,  hindi parin iyon mawala wala sa isip ko.

"Seems that your thinking. " rinig kong sambit ni Sting kaya nabaling ang atens'yon ko sa kaniya na nakatingin pala sa akin.

"Huh? " tangi kong sambit.

I'm loading. Ni hindi ko naintindihan ang sinabi niya kanina. Pero pinilit ko ang sarili kong makisama.

The thought of him being Lacxous G was creeping me out.

Siya ba?

May part sa akin na nagsasabing OO at may part rin sa akin na nagsasabing PATIBONG lamang ang lahat ng ito.

Patibong lang ba talaga?

Agad kong iniwala sa isip ko lahat ng bagay na gumugulo rito.

Naiinis, naguguluhan, nalilito na ako ng sobra-sobra.

Pashneya ka talaga Lacxous G! Bakit mo ba ako ginugulo!

Or, ako lang naman talaga ang gumugulo sa sarili kong isip?

E kong hayaan ko nalang kaya siyang gawin ang mga bagay na iyon. Tutal, wala naman siyang masamang pinanggagawa sa akin.

Oo, wala siyang masamang pinaggagawa sa akin pero, hihintayin ko pa ba na mangyari iyon?

I need to find Lacxous G. Para narin sa ikatatahimik ng kalooban ko.

"Let's go home, Erza." pag-aaya ni Sting sa akin.

Tumango nalamang ako bilang sagot at tumayo na.

Sumakay ako sa kotse niya subalit, hindi parin mawala-wala sa isip ko ang mga letcheng clues ng lalaking Stalker na 'yun.

Si Sir Jellal, kuha niya lahat ng pwedeng sabihin ni Lacxous G.

Si Sir Gray, kuha niya ang endearment ni Lacxous G.

Si Sting, kuha niya ang boses ni Lacxous G.

Sino sa kanilang tatlo si Lacxous G? O baka naman, wala sa kanilang tatlo ang taong hinahanap ko.

Konti nalang, Erza. Mababaliw kana.

Pagkapasok namin ni Sting sa bahay ay agaran kong inayos ang guestroom para sa kaniya.

Agad naman siyang nagpahinga dahil haharapin na naman niya ang tinakasan niyang manager bukas.

Naligo ako ako habang pinagdudugtong-dugtong ang lahat ng posibleng clues.

Pero, ang hirap talaga. Hindi naman kasi ako detective!

Lumabas ako sa banyo at laking gulat ko sa aking nasaksihan sa aking kama.
Muntik na akong mabuwal at mauntog sa tiles dahil sa gulat na may magkahalong takot at kaba.

Jusko! Ano ba talaga ang lintik na saltik ng Lacxous G na 'yan!!

Sa kama ko, may dalawang pares ng nighties at tatlong papel na ginagamit niya.

Paano niya ito naipasok sa kwarto ko! Aaahhh!!!!!!

Dahan-dahan kong nilapitan ang dalawang pares ng seda na nakalagay sa aking kama. Sinuri ko ito at nang makita ko ang marka nitong N. Y. C ay kinabahan na naman ako.

Binuksan ko ang mga liham ni Lacxous G. Hindi ko namamalayan na may isang luha na pala ang kumawala sa mga mata ko.

Aba syempre! Sino ba naman ang hindi mapapaiyak sa takot ng dahil sa Lacxous G na ito!

The Boss' Silent Worker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon