Chapter 1

2.6K 74 4
                                    


HAYLEE

'Access Granted'

A mischievous smile formed my lips when I saw those words from my laptop screen. I did it again, ang galing ko talaga! Now, I have the full access to Mckenzie hotel's security system.

Nasa loob ako ng kotse ko na nasa tapat lang ng mataas na building ng hotel habang nakaharap sa laptop ko.

My eyes were glued to the girl who just entered the elevator. Her hair is tied into a bun and she's wearing a usual business attire. She is Elizabeth Dela Vega, 26 years old and my client for tonight. Halos araw-araw daw siyang nakakatanggap ng death threats at ang pinakamalala ay isang patay na pusa na natanggap niya nitong nakaraang gabi lang.

Kaninang umaga lang siya inilapit ni Kuya Tom sa Sword at pagkatapos ng ilang mga katanungan ay pinagcheck-in namin siya dito sa hotel na 'to for her safety. At ako ang naatasang alamin kung sino ang nagpapadala sa kaniya ng mga death threats.

Kanina ko pa siya sinusundan at kanina ko pa rin napapansin ang isang kahina-hinalang lalaki na nakamasid sa kaniya mula sa malayo. At kagaya nga ng inaasahan ko ay pumasok siya sa kabilang elevator ilang minuto pagkatapos pumasok ng client ko. Sigurado akong papunta rin siya sa room ni Ms. Dela Vega.

Maya maya pa ay nakarating na si Ms. Dela Vega sa tapat ng room niya na ngayon ay kasalukuyan niya nang binubuksan. Nang makapasok na siya ay nakita ko ang lalaki na naglakad hanggang sa makarating ito sa tapat ng room niya.

I immediately dialed her number on my phone ang she answered my call right away.

["Hello, is this Harm?"] Bungad niya.

"Yes Ms. Dela Vega, it's me. Now I want you to lock the door." Utos ko.

["W-Why? Nandiyan ba siya? 'Y-Yung gustong pumatay sa akin?"] Natatarantang tanong niya.

"Don't panic Ms. Dela Vega. I need you to be calm right now. Basta 'wag ka lang magpapapasok ng kahit sino hangga't hindi ko sinasabi and stay connected with me. 'Wag mong papatayin ang tawag."

["O-Okay."] Aniya at inilipat ko sa earpiece ang tawag at mabilis na ikinabit ko ito sa tainga ko.

Tumingin ulit ako sa screen ng laptop ko at nakita kong pumasok ang lalaki sa katapat na kwarto ni Ms. Dela Vega. Kaya pala madali lang siyang nakapasok dahil nakacheck-in rin pala siya.

Isinarado ko ang laptop ko at isinilid ito sa isang sling bag pagkatapos ay isinuot ko ito sa aking sarili. Lumabas ako ng kotse at isinuot ang hood ng jacket ko. Pagkapasok ko ng hotel ay agad akong nginitian ng receptionist na tinanguan ko lang. It's not my first time here and I believe she already knew my business. Mckenzie hotel is friends with Sword Organization.

Kasalukuyan akong nakasakay ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang room ni Ms. Dela Vega nang bigla na lang siyang nagsalita sa kabilang linya.

["S-Sino 'yan?"] Aniya at bakas ang takot sa boses niya.

"Ms. Dela Vega? What's happening there?" Tanong ko.

["Harm, I...I think there's someone else here."] Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nakarinig ako ng pagkabasag ng isang bagay sa kabilang linya kasabay ng marahas niyang pagsinghap.

["Oh my gosh!"] Halos pabulong na sabi niya.

"Ms. Dela Vega, where are you?" Mahinahong tanong ko sa kaniya.

["I'm in the comfort r-room."]

"Okay, lock the door and search for something that you can use to protect yourself. I'm on my way there." sabi ko sa kaniya at habang isinusuot ang aking maskara.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon