Chapter 8

1.2K 53 1
                                    


NANG makaalis na ang pasaway na si Shadow ay kaagad akong nagtungo sa kwarto para tingnan ang ipinadala sa akin ni Nightmare.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang hindi kalakihang kahon na nasa ibabaw ng kama. Nilapitan ko ito at napansin ko ang isang maliit na hiwa sa packing tape na nakadikit dito. Psh, totoong pinakialaman nga ni Shadow 'to. Pero buti na lang talaga at hindi niya tuluyang binuksan 'to kundi lagot talaga siya sa akin. Para sa akin 'to kaya dapat ako lang ang unang makakita ng laman, baka kasi may special gadget na naman na nandito na first time kong magagamit.

At dahil sa isiping 'yon ay mabilis kong hiniwa ng tuluyan ang packaging tape para tuluyan ko na itong mabuksan.

Unang tumambad sa akin ang dalawang pares ng uniform ng R.U. together with my I.D. nakangiwing kinuha ko ito at itinabi. Tsk, mas maikli ang skirt ng R.U. kumpara sa St. Anthony. Minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko sa tuwing may makikita akong estudyante na taga Rakuzan na mas pinapaikli pa ang skirt nila, kung school ba talaga ang pinupuntahan nila? O baka naman bar? Tsk, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na suot-suot 'to. Siguro ang saya saya ni Tear nang bigyan siya ni Nightmare ng misyon sa R.U. mahilig kasi siya sa mga ganito.

Nang maitabi ko na ang uniforms ay agad na nakita ko ang isa maliit na box. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang digital watch. Agad naman akong napangiti, dahil kung galing 'to kay Nightmare ay sigurado akong hindi 'to ordinaryong relo lang. Sinuri ko itong mabuti at may napansin akong tatlong maliliit na buttons sa gilid nito.

Pinindot ko ang ika-unang button at napapikit ako nang bigla itong naglabas ng mabilis na ilaw na para bang isang flash ng camera. Nang magdilat na ako ay agad na tumingin ako sa screen at napansin kong nawala na ang orasan at napalitan ito ng mga katagang "image successfully saved". Ilang segundo lang ay nawala na 'yon at bumalik ulit sa pagiging orasan. Cool! A watch with a camera attached on it.

Pinindot ko pa ang ikalawang button, at napansin ko agad ang linyang paulit-ulit sa pagbaba at pagtaas dito. Mukhang alam ko na kung ano ang purpose ng ikalawang button ah. At tama nga ang hinala ko nang mawala ang linya at napalitan ng "scan completed". I knew it, isang scanner.

At dahil sa excitement kung ano ang function ng third button, ay agad na pinindot ko ito. Nagulat nalang ako nang may kung anong lumabas dito at diretsong tumama sa dingding. Nagtatakang lumapit ako dito at naging malinaw sa aking paningin ang isang needle. Mas lumapad naman ang ngisi ko sa nakita. Ang cool nito! Ang daming function ng watch na 'to. You're such a genius Nightmare, for inventing a gadget like this. Magagamit ko talaga 'to para sa misyon ko.

Bumalik ulit ako sa pwesto ko kanina at hinalungkat ang iba pang nandodoon. Mayroong mga naka-disguise na tracking devices, at tatlong ballpen. I already know what's the use of the ballpen and how it works because nakwento na 'to sa akin ni Fear, infact she gave me one of this since hindi niya nagamit sa nakaraang misyon niya. And I admit it's cool! The ink of this is a poison and the ballpoint is the only cure.

Masyado na tuloy akong nae-excite para sa misyon ko. Agad na kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Nightmare nang biglang mag-ring ito at nakapangalan ang number kay Mommy.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga balikat ko. Hindi naman ako nadidismaya na tumawag si Mom. Pero baka kasi tungkol na naman ito sa mga lalaking pinapa-date niya sa akin. Or worst baka nagsumbong 'yong abnormal na lalaking 'yon sa kaniya. Tsk, whatever. Ano naman ngayon kung nagsumbong nga 'yong abnormal na 'yon? Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag.

"Yes, Mom?" Medyo kinakabahang sabi ko.

["Honey, I've got a surprise for you!"] Masiglang aniya.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon